^

PSN Showbiz

Sharon, nagwalwal nang mag-tequila sa shooting, tanggap ding MILF!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sharon, nagwalwal nang mag-tequila sa shooting, tanggap ding MILF!
Sharon
STAR/ File

Hindi pala tinanggap ni Sharon Cuneta ang isang Hollywood movie na OFW ang role.

A-list Hollywood actor pa naman sana ang gaganap na bida at sa HongKong magso-shooting.

Nanghihinayang siya pero ibang offer ang kino-consi-der niyang gawin. Iba pa ‘to sa life story sana ni JoKoy na plantsado na ang lahat pero nag-false positive siya nang magpa-swab bago umalis ng bansa papuntang Canada.

Pero tulad sa naunang nasulat, sa isang clinic lang siya nag-positive and the rest, negative ang swab tests niya.

Nagbigay ng kakaibang depression kay Sharon ang nangyari kaya kinailangan niyang umalis ng bansa for two months.

Nung isang araw lang siya bumalik ng Manila at humarap sa entertainment press si Megastar kahapon para i-promote ang comeback movie niyang Revirginized.

“I really wanted a challenge, a change” sabi ni Ate Shawie sa tanong kung bakit niya tinanggap ang not-so-ordinary movie na dinirek ni Darryl Yap.

At anong pinakamahirap niyang eksena sa Revirginized?  “It’s the scene where I was asked to drink tequila from the body of Marco (Gumabao). At first, sabi ko, gagawin ko ba itong body shot na ito? Kasi doon lang sinabi ni Direk (Darryl Yap) sa set na may ganung eksena pala. E, hinahabol namin ‘yung araw so kailangan ng mag-take na kaya sige, shoot. And thanks to Marco for guiding me, one take lang ‘yun. I don’t drink alcohol, but ‘yung tequila na ininom ko, hindi ko alam na totoo pala ‘yun. Tinamaan ako, pero nakatulong naman, kasi after that, lahat ginawa ko na, pati yung Sisa moment ko, abangan n’yo ‘yun,”  kuwento pa ni Ate Shawie habang tawang-tawa.

Samantala, inulit niya na wala talaga siyang balak sa pulitika. Marami raw puwedeng gawin sa kanyang platforms at maraming offer  kaya pakiramdam niya ay ayaw pa siyang pag-retiren ng Diyos.

Kinumpirma rin niya na gusto niyang gawin ang reunion movie with Gabby Concepcion.

At hindi na pala sila talaga nagkita ni KC sa L.A dahil pareho sila nitong busy.

Anyway, sexually attractive middle-aged woman or MILF (mom I‘d like to f---) si Sharon sa Revirginized bilang si Carmela na nawasak sa kakatapos lang niyang annulment. At sa ‘di sinasadya, nagkita si Carmela at ang kanyang inaanak kasama ang mga barkada nito na bumibili ng alak sa tindahan bago pumunta sa isang beach party. Gustong tumakas sa lahat ng kanyang problema, tinakot ni Carmela ang inaanak na isusumbong niya ito kung hindi siya isasama sa pupuntahang beach party.

Doon na naganap ang lahat, halo-halong “awkwardness”, trying hard na pakikibata at pagpupumilit maging wild, susubukan ni Carmela na pumarty, magwalwal, at pati makipag-one night stand kay Morph (Marco), ang makisig na binata na owner at tattoo artist ng venue kung saan ginanap ang beach party.

Mapapanood ito sa worldwide premiere bukas, August 6 sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV, SKY PPV at  Vivamax.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with