^

PSN Showbiz

Aktres na pinakyaw ang kaartehan, pinatikim ng nakakabinging sampal ng kaeksena

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kakaaliw ang mga kuwento tungkol sa isang magandang aktres nu’ng nagsisimula pa lang siyang mag-artista. Natural na sa kanya ang kaartehan, sa pagsasalita pa nga lang niya ay nandu’n na ang pag-arte niya, tanggap na ‘yun ng kanyang mga kasamahan.

Pero marami pa palang kakuwanan ang female personality na hinding-hindi nakakalimutan ng produksiyong palagi niyang nakakatrabaho nu’ng baguhan pa lang siya.

Kuwento ng aming source, “Naku, kapag kaartehan ang pinag-uusapan, e, wala nang mas aarte pa kesa kay ___ (pangalan ng magandang female personality).

“Pinakyaw na niya ang lahat ng kaartehan sa mundo, walang kakabog sa kanya, siya na talaga ‘yun! Hindi niya ‘yun basta ginagawa-gawa lang, maarte talaga siya!” unang hirit ng aming impormante.

Nagbabasa na ng script ang mga artistang kasali sa isang eksena. Kani-kanyang memorya na sila ng mga linya nila. Bumubulung-bulong na rin ang magandang aktres.

Kuwento ng aming source, “Natural, batuhan na ng mga lines ‘yun, di ba? Pero itong maarteng female personality, e, kung anu-ano pa ang sinasabi, marami siyang tanong, kaya naiinis ang mga kasamahan niya.

“Kunwari, nasabi na sa kanila ang blocking, malinaw na, pero ang girl, sangdamakmak pa rin ang tanong! Sasabihin niya, ‘Direk, do I have to walk while delivering my lines?’

“Sasabihin naman ng assistant director, ‘No, just stay in your place, du’n ka lang.’ E, di okey na! Iispluk na naman ang girl, ‘Direk, what about with my remaining lines, do I have to just stay where I am or I can walk around?’

“Alam n’yo ba, may isang magaling na director na kapag siya ang nasa casting, e, gusto nang reglahin? Kasi nga, e, alam na ni direk ang malaking delay na mangyayari sa kakulitan at kaartehan pa lang ng female personality na ‘yun!

“Naiinis sa kanya ang mga co-stars niya, kaya sa isang eksenang ginawa nila nu’n ng isang female personality na buwisit na sa kanya, e, talagang sinampal siya nang buong-ningning!

“Sa inis sa kanya ng kaeksena niya, e, halos mabingi-bingi siya sa lakas ng pagsapak sa kanya! Kasi nga, cause of delay siya sa kaartehan niya!

“Mabuti at nabawasan na ang kaartehan niya ngayon, alam niya kasi na makakatikim siya sa mga kaeksena niya kundi siya magbabago sa kaartehan niya!” humahagalpak na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Willie, Raffy at Cong. Vilma, kailangan ng tulong na dasal kung kakandidato

Tatlong sikat na personalidad sa kani-kanilang linya ang inaabangan ngayon ng ating mga kababayan kung itutuloy nila ang pagkandidato bilang senador.

Sina Willie Revillame, Raffy Tulfo at Congresswoman Vilma Santos Recto. Tikom pa ang kanilang mga bibig ngayon pero malakas ang kutob ng marami na tutuloy sila sa laban.

May binitiwang pahayag si Willie na ngayong unang linggo ng Agosto siya magbibigay ng opisyal niyang plano. Mahabang panahon ang ibinigay sa kanya ng grupo ni PRRD para makapag-isip pero panay-panay rin naman ang pagtawag sa kanya para alamin kung ano ang kanyang desisyon.

Mahigpit din ang imbitasyon kay Raffy Tulfo ng PDP, tulad ni Willie ay mas magiging malawak ang kanyang serbisyo kapag nagkaroon siya ng upuan sa Senado, itutuloy kaya ng sumbungan ng bayan ang paglahok sa pulitika?

Hindi na nakapagtataka kung tanggapin ng Star For All Seasons ang hamon, armado na siya ng mga alas para maging senador, maayos ang kanyang track record mula nang maging mayor, gobernador at kinatawan siya ng Batangas.

Tatlong personalidad sila na siguradong tututukan ng kanilang mga katunggali para wasakin. Ngayon pa lang ay maaaring pinaghahandaan na sila ng mga makinarya ng mga pulitikong hindi parehas lumaban dahil malakas ang kaway nila sa publiko.

Memenosin ang kanilang kapasidad, mamaliitin ang kanilang pagkatao, nakakatakot nga namang kaagawan sa posisyon sina Willie, Raffy at Cong. Vilma.

Kung ang bilang ng mga tagasuporta nina Willie at Kuya Raffy sa social media ang magiging barometro sa eleksiyon ay sigurado na ang kanilang tagumpay. Parehong may mahigit na dalawampung milyong followers sina Willie at Kuya Raffy.

Pareho rin silang iniidolo at nilalapitan ng mga OFW. Napakalaki na ng kanilang naitatanim na puhunan ng mga OFW. Napakalaki na ng kanilang naitatanim na puhunan sa pagtulong sa mga kababayan nating problemado sa ibang bansa. Natural, sila ang susuportahan ng mga pamilya ng OFW sa darating na halalan, hindi ang mga pulitikong puro laway lang naman ang alam gawin.

Isa lang ang sinasabi nilang tatlo, tulungan natin silang magdasal para sa kanilang magi­ging desisyon, hindi simple ang papasukin nilang laban.

vuukle comment

AKTRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with