^

PSN Showbiz

Aktor petiks-petiks, maligaya ang buhay na nag-iisa

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nararamdaman ng artista ang kanyang kapasidad. Siya ang unang-unang nakakaalam kung kaya pa ba niyang makipagsalpukan sa ibang personalidad o kailangan na niyang umurong sa laban.

Ganito ang nararamdaman ngayon ng isang pamosong lalaking personalidad na niregaluhan ng magandang kapalaran. Natupad ang lahat ng kanyang mga pangarap. Sumikat siya nang sikat na sikat. Wala na siyang hahanapin pa.

Kuwento ng aming source na matagal na nakatrabaho ang sikat na male personality, “Nawala na ‘yung dati niyang enthusiasm. Punumpuno siya nu’n dati. Masaya siya sa mga ginagawa niya, very professional siya, hindi siya naging problema ng production kahit kailan.

“Dati, mahilig siya sa nomo-nomo. Pagkatapos niyang magtrabaho, umiinom siya. Pero never niyang binitbit sa trabaho niya ang hang-over. Nakapagtatrabaho pa rin siya nang maayos na para siyang nagkaroon nang sapat na tulog,” pagpapakilala ng aming impormante sa sikat na male personality.

Pero naisip ng aming source, ganu’n nga yata kapag wala nang pinapangarap ang artista, kapag hawak na niya ang katuparan ng kanyang mga ambisyon ay okey na okey na siya.

Patuloy ng aming source, “Ngayon kasi, e, parang petiks-petiks na lang siya. Kung may dumating na offer, go! Kung wala, okey lang din sa kanya! Wala na ‘yung dati niyang enthusiasm.

“Parang okey na lang sa kanya ang ganyan. Masaya na siya sa pag-iisa. Maligaya na siya sa klase ng buhay na meron siya ngayon.

“Kunsabagay, ano pa ba naman ang hahanapin niya ngayon, e, napakarami na niyang naipundar? Kahit sa ibang bansa, napaka-comfortable na ng buhay nila ng family niya.

“Dito naman, e, lalo na! Hindi na niya mauubos ang naging resulta ng pagsisipag niya. Marunong pa siyang humawak ng pera. Hindi niya sinasayang ang mga pinagpapaguran niya.

“Kaya wala na siyang pinoproblema ngayon, napakaganda na ng sitwasyon niya, wala na siyang pinapangarap pa. Ay, meron pa pala!

“At ‘yun ang pinakamahalaga para sa personal life niya. Isang-isa na lang ang kulang sa kanya, ang magkaroon ng misis na makapagbibigay sa kanya ng mga anak na makakasama niya sa pagtanda niya!

“’Yun na lang talaga at super-kumpleto na ang buhay ng sikat na male personality. Ang tanong, kailan naman kaya siya mag-aasawa? Kailan kaya makukumpleto ang buhay niya?

“Kailan nga ba, papa?” natatawang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Mga epal na pulitiko, biglang umeksena sa panalo ni Hidilyn

Parang lupa na ilampung taong tigang na tigang ang diniligan ni Hidilyn Diaz sa pagkopo ng gintong medalya sa Olympics. Isang matinding pa­ngarap na natupad pagkatapos nang siyamnapu’t pitong taon.

Nagbubunyi ang buong bayan sa kanyang tagumpay, isang Pinoy na naman ang nagsulat ng pangalan ng ating bayan sa mapa ng mundo, mabuhay si Hidilyn Diaz!

Nu’ng pinarangalan na ang ating kinatawan bilang gold medalist sa weightlifting ay tumatawid sa atin ang matindi niyang kailgayahan. Hindi pala imposible kapag ibinigay ng Diyos ang karangalan at kapag pinagbuwisan ng sakripisyo ng may katawan ang inaasinta niyang pangarap.

Nu’ng tugtugin na ang Lupang Hinirang habang napakaibabaw ang ating bandila sa dalawa nitong katabi ay wala na, nakiiyak na ang buong bayan kay Hidilyn, napakasarap nga namang maging Pilipino sa pagbubunyi para sa ating kababayan.

Nagtagumpay si Hidilyn Diaz, nagkaroon ng saysay ang kanyang mga sakripisyo, itinuturing siyang bayani ng ating bayan ngayon lalo pa’t panahon ng pandemya na puro kahirapan ang ating pinagdadaanan.

Ang nakakalungkot lang ay umandar agad ang huwad na makinarya ng mga pulitikong dating nangmamaliit kay Hidilyn. ‘Yun ang mga taong sa halip na tumulong nu’ng mga panahong ni walang panggastos ang nag-eensayo nating atleta ay nagdikdik pa nga sa kanya sa isang kontrobersiyang napakalayo sa katotohanan.

Kakabugin ng mga mukha ng mga taong ‘yun kahit ang mga ibinebentang makakapal na sangkalan sa kanilang pagbati ng mabuhay kay Hidilyn Diaz. Ang kakapal!!!

Nasaan ba sila nu’ng mga panahong kahit galon ng tubig ay ginagawang pabigat ni Hidilyn sa kanyang pag-eensayo? May nakaisip man lang bang mag-abot ng tulong sa kanya?

At ngayong hawak na niya ang medalyang ginto ay parang naging bahagi sila ng pangangarap at pagsasakripisyo ng ating bayani? Ang kakapal talaga!!!

Napakahirap ng ating sitwasyon ngayong pandemya. May bulkang pumuputok, laganap ang pagbaha sa maraming probinsiya dahil sa walang tigil na pag-ulan, milyun-milyon ang nagugutom sa kawalan ng trabaho.

Ang unang gintong medalyang iniuwi ni Hidilyn Diaz mula sa Tokyo, Olympics ay literal na biyaya para sa ating lahat.

Mula sa halos isandaang taon ng tagtuyot ay isang napakalakas na buhos ng ulan ang kanyang hatid. Wala ngang imposible.

Mabuhay ka, Hidilyn Diaz!

 

vuukle comment

ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with