^

PSN Showbiz

Aktor na matagal na jobless, naunsyami sa lock-in dahil sa virus

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Mas lalong nag-iingat ngayon sa taping ng mga drama series dahil sa takot sa pagkalat ng Delta variant nitong COVID-19.

Medyo nakakasanayan na nga ng ilang artista ang matinding paghihigpit pero may ilan pa ring nahihirapan talaga, lalo na ‘yung mga nasasanay sa may bitbit na napakaraming alalay.

May ilang programa ngayon na bawal na magdala ng alalay lalo na’t kung uwian naman ang taping. Bukod pa riyan kailangan pang magtipid dahil sa dobleng gastos.

Dati kasi, minsan lang ang swab test. Ngayon ay may antigen test na, at pagkalipas ng limang araw ay kailangan pang i-RT PCR test.

SOP na rin ns meron dapat isang health officer o nurse nakabantay sa set, at isang ambulansya.

Pagkatapos iniintriga ng taga-ibang istasyon na doon daw sa set ng isang drama series na sino-shoot sa probinsya tambay ang mga ambulansya at ilang nurses. Kaya nawawalan na raw ng nurses ang ilang hospital sa lugar na iyon. Samantalang, isang nurse at isang ambulansya lang naman ang nakabantay.

Kailangan lang daw talagang mag-ingat, at iyon naman ang ipinapatupad ng IATF na dapat sundin.

May nakarating namang balita sa amin kamakailan lang na meron ding lock-in taping ng isang programa na na-pack-up bigla dahil may dalawang production staff na nagkasakit.

Nabitin nga ang bidang aktor, dahil ang tagal din niyang nabakante sa trabaho, tapos biglang naudlot. Kaya dagdag gastos na naman ito sa network dahil ‘pag bumalik sila sa taping, start na naman sila sa dating procedure na i-quarantine uli sa isang hotel, magpa-swab lahat, bago sila isalang uli sa lock-in taping.

Glaiza gusto nang ikasal, Rayver wala pang plano sa kanila ni Janine

Thankful naman ang buong team ng Nagbabagang Luha dahil natapos na

rin nila ang kanilang taping at all-set na silang i-air sa August 2.

As of presstime, wala pang sinasabing timeslot dahil hindi pa na-finalize lahat. Pero sa afternoon drama ito.

Patapos na kasi ang Ang Dalawang Mrs. Real, at ang sabi ang replay daw ng The Good Daughter ni Kylie Padilla ang ipapalit. Pero hindi pa ito nakumpirma sa amin.

Kaabang-abang din ang Nagbabagang Luha dahil ang lakas ng dating at interesting din ang napakagandang si Claire Castro na bago pa lang pero naisalang na sa mga mabibigat na eksena.

Pero mas excited siyempre ang bida rito na si Glaiza de Castro dahil matagal-tagal din siyang hindi nakakaarte sa isang drama series.

Pero pagkatapos kaya nito ay magiging abala na si Glaiza sa wedding preparations nila ng fiancé niyang si David Rainey? Napangiti na lang si Glaiza nang tinanong namin ito sa kanya sa nakaraang virtual mediacon ng bagong serye niya. “Sa totoo lang po medyo challenging nga itong pandemic na ‘to… sa pag-travel ‘di ba? Eh, ‘yung tipo pa naman ng relationship namin medyo mahal kasi ang daming flights na involved, ang daming travels na involved. So, hoping kami na pag mag-ease ‘yung restrictions at kung kailan man ‘yun hindi namin alam.

“Pero I think itong season na ‘to na hindi kami nagkikita ay parang ano na rin, way na rin to strengthen our relationship, to be more trustful, maging mas patient.”

Sa sobrang miss nga raw niya kay David, minsan nadadala na raw niya ang role ni Maita Ignacio ng Nagbabagang Luha na nakakapag-isip na siya nang ‘di maganda.

“Kaya gusto ko na talaga na magkita kami,” napapangiti niyang pahayag. “We’re praying na magkaroon ng ano… may mga options na kasi kami kung kailan ulit kami magkikita. Pero we’re praying na in God’s time na mangyari ‘yun,” dagdag na pahayag ni Glaiza.

Kung sakaling mapagpasiyahan na raw ang kasal, gusto raw niya rito sa Pilipinas gawin.

Ang leading man ni Glaiza na si Rayver Cruz ay taking time pa raw sila ni Janine Gutierrez pagdating sa wedding plans.

“Mahirap kasi planuhin ‘yung mga ganyan.

“For me right now, medyo matagal pa. Ine-enjoy ko pang alagaan ang mga pamangkin ko,” napapangiting sagot ni Rayver.

Pero sure naman daw siya at talagang umaasang si Janine na ang babaeng pakakasalan niya.

vuukle comment

AKTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with