^

PSN Showbiz

Claudine, pinayuhang magpapayat

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Claudine, pinayuhang magpapayat
Claudine
STAR/ File

Magkasabay na sinilebrayt ng estranged couple na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto ang kanilang kaarawan noong nakaraang Martes.

Working birthday iyon kay Raymart dahil nasa Pola, Oriental Mindoro pa siya para sa shooting ng pelikula nina Coco Martin at Julia Montes.

Si Claudine naman ay pinaghahanda na raw sa promo ng reunion movie nila ni Mark Anthony Fernandez na Deception under Viva Films na dinirek ni direk Joel Lamangan.

Naitsika nga sa amin ni direk Joel na tuwang-tuwa siya sa kinalabasan ng movie dahil ang galing pa rin daw talaga nina Mark at Claudine. Pero siyempre, pinayuhan uli nila ang aktres na medyo magbawas na uli nang timbang.

Si Raymart naman ay patapos na ang shooting ng pelikulang may tentative title na The Policemen na kinunan sa lugar ni Mayora Ina Alegre sa Pola, Oriental Mindoro.

Medyo tipid na ang tsika sa amin ni Mayor Ina tungkol sa pelikula dahil hindi pa raw puwedeng pag-usapan.

Nakikita na lang namin sa FB account ng Pola Mayor na ipinapasyal niya roon sina Coco. Ang ganda ng beach na pinuntahan nila at maaaring doon nag-birthday si Raymart.

Kapansin-pansing open na sina Coco at Julia na magkasama, though hindi pa naman sila nagsasalita tungkol sa kanilang relasyon.

Dennis, lutang ang kakisigan

Pawang magagandang feedback ang naririnig namin mula sa netizens

pagkatapos nilang mapanood ang full trailer ng Legal Wives na magsisimula na sa July 26, pagkatapos ng The World Between Us.

Ang lakas naman talaga kasi ng dating ng trailer at magkakainteres kang alamin ang kaugalian ng mga kapatid nating Muslim, ang kanilang tradisyon at kultura na hindi pa alam ng karamihan.

At Kasabay nga ng pagdiriwang ng Eid Al Adha noong Martes ay inilabas ang napakagandang trailer nito.

Ang isa sa napansin namin doon ay ang kakisigan ni Dennis Trillo na mukhang pinaghandaan talaga ang role niya bilang si Ismael Makadatu. Fit na fit siya roon, kaya bumagay sa kanya ang role na lumalabas kaya niyang mapangasawa ang mga naggagandahang sina Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali.

Talagang pinaghandaan naman daw ito ni Dennis, nag-ensayo siya at nagpalakas ng katawan. Sa looks ay nagpatubo raw siya ng facial hair para bumagay sa karakter na ginagampanan niya. “Pinanatiili ko lang healthy, dahil alam ko ila-lock in kami ng almost isang buwan. Kailangan lang naming malakas ang pangangatawan.

“Kailangan kong extra effort din ako sa aking itsura para kanais-nais ako sa aking asawa na sobrang gaganda. Effort po ‘yun para sa akin,” napapangiti niyang pahayag.

“Isa pang kailangang gawin namin,  basahin ko paulit-ulit ‘yung script lalo na meron kaming mahahabang lines. Karamihan po dun parang nagli-lecture. So, kailangan alam talaga namin ‘yung sinasabi namin dun dahil mahalaga po ‘yun para maintindihan ng mga manonood,” dagdag niyang pahayag.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with