^

PSN Showbiz

Willie tuloy sa senado, Raffy ayaw padala sa alok!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Willie tuloy sa senado, Raffy ayaw padala sa alok!
Willie
STAR/ File

Robin pinagdudahang bibigay din.. Kris nag-reach out sa birthday ni Cristy Fermin

Nalaki pala ang chance na kumandidato nga sa pagka-senador ang billionaire host na si Willie Revillame.

Bago mag-umpisa ang Take It... Per Minute, Me Ganon?! kahapon ay kausap ni Nay Cristy Fermin si Willie sa telepono at pakiramdam daw niya, kahit pa gusto niya itong pigilan ay hindi niya (Nay Cristy) makakaya dahil literal daw na inaaraw-araw si Willie ng grupo ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Pero si Raffy Tulfo diumano ang malabong bumigay sa imbitasyon ng administration na kumandidato at sumabak sa 2022 elections ayon sa manager nitong si Ogie Diaz bago rin nag-start ang episode 107 ng programa nina Manay Cristy, Manay Lolit Solis and Mr. Fu.

Si Robin Padilla ang isa pa sa sinasabing kakandidato rin. In a way ay naniniwala pa sila (TIPMMG hosts) na baka ma-sway ang stand ng actor at tumuloy sa kandidatura lalo na nga at minsan na itong kumandidatong vice governor sa Nueva Ecija but sadly, hindi siya nagwagi.

Ayon sa ibang sources ay kasama ang tatlo sa senatorial line-up ng administration sa 2022.

Samantala, ayon naman ng source ng Take It... diumano’y P300,000 ang talent fee ni Bea Alonzo per taping day sa pagpirma niya sa Kapuso network.

Three years daw ang pinirmahan nitong kontrata sa GMA.

But anyway, highlight ng Take It... ang advance birthday celebration ni Nay Cristy kung saan nagulat kami nang magpadala ng litson at birthday pansit si Kris Aquino with mat­ching letter pa and Shopee gift certificates.

In a way ay nagulat din si Nay Cristy dahil common knowledge na nagkaroon sila ng misunderstanding noon.

Short flashback : pinagtanggol noon ni Nay Cristy si Mr. Fu sa diumano’y sinabi ni Kris na hindi niya kilala ang sikat na FM DJ at isa sa mga host ng TIPMMG.

But anyway, that’s water under the bridge now.

Sabi nga ni Nay Cristy : “‘Di ba, sabi ko naman kapag nagpapakumbaba ang tao dadapa ulit ako para magpatapak, ganun lang.”

Nakalagay sa kasamang card nito ang : “Nay. Advance happy birthday! Hindi ako nakalimot pinaghandaan ko,” message ni Kris kay Nay Cristy na sa July 23 pa ang actual birthday.

Kilalang mag-nanay ang dalawa pero may pagkakataon na hindi sila nagkakaintindihan though kilala na nila ang isa’t isa.

At ang opinion nila kung sakaling kakandidato sa pagse-senador si Kris, isa raw sa advantage ni Kris sa ibang mga kandidato, hindi ito power hungry.

Bongga naman ang isa sa ‘blind item’ sa programa kung saan hindi lang pala kay Albert Martinez nili-link ang pangalan ng Kapuso star na si Faith da Silva kundi maging sa actor na si Christian Vasquez nang magkasama sila sa taping ng Magpakailanman.

Sa mga hindi nakapanood ng live kahapon sa masayang episode ng prog­rama kung saan may mga rebelasyon pa sa ‘lovelife ni Nay Lolit,’ maki-Team Replay na sa number 1 digital talk show, TIPMMG, sa Facebook page at YouTube channel ng Pilipino Star NGAYON.

Maraming salamat din sa lahat ng nagpadala ng messages at Vista Mall na sponsor kahapon ng programa.

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with