^

PSN Showbiz

Alice, hindi pa nalalaro ang anak

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Alice, hindi pa nalalaro ang anak
Alice at Baby Aura
STAR/ File

Sa nakaraang virtual mediacon ng Legal Wives, ibinahagi ni Alice Dixson kung paano siya nakapag-adjust bilang ina at nagtatrabaho pa bilang artista.

Iba siyempre ang sitwasyon ngayon na first time niyang ma-lock-in taping at sumabay pa ang pagdating ng blessing sa kanila na si Baby Aura.

Ayaw pa nga sana ni Alice na pag-usapan ito dahil personal na raw niya itong isyu, at ayaw na niyang isabay pa sa promo ng Legal Wives.

Kaya ang kuwento lang ng aktres; “We kept it for the first two lock in, pero at the certain point kailangan ko nang ‘yun nga magpaalam to leave. It’s just so happened ang taping namin, ‘yung 2nd lock in until February 14. Umuwi kami February 15.

“Dumating ako sa bahay, the following day we received…actually midnight of the 16th, we received a call. That call was our surrogate, she’s in the hospital already, she’s giving birth.

“So napaka…I thought that was a blessing.”

Para sa kanya, dagdag suwerteng ibinigay nitong Legal Wives sa pagdating ni Baby Aura sa kanilang buhay.

“I will never forget this show, how things have changed,” napangiti niyang pahayag.

“Nung pagbalik ko for lock in taping number 5, nakakatuwa na naipasok talaga ako sa show because I thought na hindi na ako makakabalik.

“I returned the last lock in… it was different, because mas strict sila. The production was more strict because of the cases that happened when I was away. It was so nice to be back and…it was so nice to complete the show with everyone,” dagdag niyang salaysay.

Hindi raw ganun kadali sa kanya ang adjustment bilang isang working mom.

“It was difficult kasi I had to be away for two weeks tapos…we have the yaya. Nakahanap naman kami ng paraan. Unfortunately, up to now hindi ko pa siya talaga nalalaro nang husto because when I was on the set I got cold and still recovering. So, hindi ko pa siya talaga nakakasama ng 100 percent. Pero siguro in the next few days I’ll be okay na to take care of her,” sabi pa niya.

Sa Lunes, July 26 na magsisimula ang Legal Wives pagkatapos ng The World Between Us.

Na-excite kami pagkatapos napanood ang full trailer nito na parang ibang-iba sa mga napanood naming teleserye.

Tatalakayin dito ang kultura ng mga kapatid nating Maranaw, lalo na ang pagkakaroon ng higit sa isang asawa.

Sabi nga ng direktor nitong si direk Zig Dulay; “Sa isang Christian country, paano mo maikukuwento ‘yung isang kultura o ang isang paniniwala na hindi tayo masyadong sanay, o hindi natin masyadong naiintindihan.

“Ako naman gusto ko ang naging ending ng buong teleserye in a way na dapat ba maging harmonious ang pagsasama ng tatlong legal wives, kasama ang asawa nila o dapat ba sang-ayon ito sa paniniwala ng Kristiyano na dapat iisa lang? ‘Yun yata ang kailangan nilang malaman.”

Si Dennis Trillo ang gumaganap na si Ismael Makadatu na nagkaroon ng tatlong asawang gagampanan nina Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali.

Paolo nagpapayat para kay Heart

Noong Lunes, July 19, na rin nagsimula ang taping ng I Left My Heart in

Sorsogon na pagbibidahan ni Heart Evangelista, kasama sina Paolo Contis at Richard Yap.

Sina Heart at Paolo ang unang isinalang.

Medyo senti nga si Paolo nang tumulak na siya pa-Sorsogon dahil halos isang buwan din niyang hindi makikita at makakasama ang mag-ina niya.

Nag-post nga ito sa kanyang Instagram account na nagpapasalamat siya sa partner niyang si LJ Reyes na siyang mag-aalaga sa anak nilang si Summer at pati si Aki.

Kinarir ni Paolo ang role niya rito sa bagong drama series ng GMA 7 dahil kailangan niyang magpapayat.

Sa tulong daw ng detox juice at todo-todong exercise, na-achieve naman niya ang katawan niya ngayon.

Magmula raw nung pandemic, umabot daw sa 211 pounds ang timbang niya. Proud naman siya ngayon sa timbang niyang 170 pounds.

vuukle comment

HEART

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with