^

PSN Showbiz

Kanta ni Angeline nagkaroon ng konek sa beauty products

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kanta ni Angeline nagkaroon ng konek sa beauty products

Kakatuwa ang back story ng bagong endorsement ni Angeline Quinto na nagkaroon ng launch last week.

Dahil nga sa awitin niyang Patuloy ang Pangarap,  nagsumikap si Armie Rosale Agmata, ang CEO  ngayon ng Ayesha’s Beauty Products (ABP) Corporation, na itaguyod ang kanyang negosyo na pagbebenta ng mga produktong pampaganda na ngayon ay mabibili na sa buong bansa at si Angeline na nga ang endorser.

“Tulad ni Angelina, nag-umpisa ako sa hirap at marami ang pinagdaanan sa buhay pero pinagpatuloy ko pa rin ang pangarap ko at  naging inspirasyon ko talaga ang kanta niya kaya masaya ako na siya ngayon ang first endorser namin,” sabi ni Armie.

Overwhelmed naman si Angeline at na-touch sa naging papel ng awitin niya sa buhay ng may-ari ng kumpanya.

Bago maging Queen of Teleserye Theme Songs, pasali-sali si Angeline sa ibat ibang singing contest sa kanilang barangay kasama ang namayapa niyang kinilalang ina na si Mama Bob.

Maging ang mga talent search sa telebisyon ay pinasok niya rin ngunit hindi pinalad na magwagi. Nagpursige siya at nagpatuloy sa kanyang pangarap hanggang sa tanghalin noong 2011 bilang grand winner sa Star Power: Sharon’s Search for the Next Female Pop Superstar.

“Sobrang relate ako sa kuwento ni Ms Armie kaya masaya ako na maging bahagi ng Ayesha family dahil talagang pinaghirapan at dugot pawis ang puhunan nila para maitatag ito,” dagdag ni Angeline.

Pinaka-ipinagmamalaki ng Ayesha ang kanilang rejuvinating kit na mabibili lang sa halagang P250. May laman itong Kojic soap, rejuvenating cream at toner, collagen with elastin cream at sunblock gel cream.

“Noon pangarap lang din sa akin na pumuti o gumanda ang kutis kaya nung nadiscover ko tong rejuvinating kit, sabi ko sana marami din makagamit nito kaya naghanap ako ng supplier, nag-umpisa ako sa maliit na halaga, at pinagsikapan ko talaga. Ngayon may saliri na kaming planta at nadagdagan pa ang products namin,” bahagi pa ni Armie.

Si Angeline naman ay hindi inililihim na may mga ipinaayos sa kanyang katawan.

Sobra pa rin sa natupad ang pangarap ni Angeline dahil ito nga katatapos lang ng kanyang bagong rest house sa Batangas.

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with