^

PSN Showbiz

Joaquin, napahanga sa bagman ni Arjo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Joaquin, napahanga sa bagman ni Arjo
Joaquin at Arjo.

Napahanga ang anak ni Mayor Isko Moreno na si Joaquin Domagoso kay Arjo Atayde nang mapanood nito ang iWant original series na Bagman.

Kung mabibigyang ng pagkakataon ay gusto rin umano ni Joaquin na makagawa ng isang action project. “I consider that a dream role for me. I want to do an action movie one day. ‘Yung katulad ng Bagman ni Arjo. I like his role there. Kasi kahit maputi si Arjo in real life and English speaking siya pero sa role niya parang barbero talaga siya eh. We know in real life that he is rich. Pero in the show parang normal siya na bad guy. I want the role that would challenge me. Something like that when it comes to acting,” pagbabahagi ni Joaquin.

Wala raw problema sa baguhang aktor kung palagi mang idinidikit sa kanya ang pangalan ng ama. “Kasi kung ang focus ko is to get out from the shadow of my dad, hindi ko mai-enjoy masyado ang showbiz. The shadow is so big and why should I be afraid being of that shadow. I think if we have dreams and goals like in life you need to push yourself and strive to be better. Hindi dapat iniisip ‘yung pressure na iko-compare ka sa parents mo. Kasi magkaiba naman kayo,” paliwanag ng binata.

Naihahalintulad ngayon si Joaquin sa anak nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimuel. Bukod kasi sa pagiging anak ng mga pulitiko ay aktibo na rin sa show business sina Jimuel at Joaquin.

Wala raw magiging problema kung sakali mang magkasama ang dalawa sa proyekto. “Yeah! of course, why not? I wanna work with Pacquiao’s son. I think competition is some extent, pero rival wala akong gano’n. Wala pong dapat apakan or whatever and I don’t think na magkakagano’n po,” pagtatapos ng aktor.

Angel ‘di na priority ang kumita ng pera

Taong 2000 nang pasukin ni Angel Locsin ang makulay na mundo ng show business.

Ang akala raw ng aktres noon ay panandalian lamang siya magiging artista. “Dapat two years lang ako sa showbiz. Mag-iipon lang ako, tapos ipapaopera ko ‘yung tatay ko. Tapos no’ng nakaipon na ako ng 75%, sinabi sa amin ng doctor na hindi na pwede i-operate. Ngayon 94 (years old) na si daddy. Pero no’ng time na ‘yon, mga 80 plus na si daddy,” bungad ni Angel.

Bulag ang ama ng aktres na si Angelo Colmenares na siyang naging motibasyon upang pagbutihin ni Angel ang trabaho.

Nawalan daw ng pokus sa trabaho noon si Angel nang malaman na hindi na pwedeng maoperahan ang mga mata ng ama. “Medyo na-lost ako, wala akong purpose, hindi ko alam kung anong gagawin. And then na-challenge ako. Hindi ko alam kung naranasan mo ‘yung minsan may bullying or minsan may parang discrimination. Na-challenge lang ako na okay, ipapakita ko na kaya ko. Tanggap lang ako nang tanggap ng trabaho,” kwento niya.

Matagal-tagal nang hindi nakagagawa ng pelikula si Angel kaya hinahanap-hanap na niya ito ngayon.

Kamakailan ay nagtapos na rin ang programa ng aktres sa telebisyon na Iba ‘Yan. “Nami-miss ko ‘yung nagbubuo ka ng ­character at ‘yung mga katrabaho. Pero I think nasa okay na place ako ngayon. For the longest time kasi ang iniisip ko kumita ng pera. Breadwinner ka, so gano’n ang iniisip mo pero nakalimutan ko ‘yung sarili ko. Ngayon natututo ako kung paano gumawa ng budget ulit. So siguro ako muna, aayusin ko muna ‘yung sarili ko. Ayusin ko ‘yung kasal ko. Mag-aaral ako magluto para hindi naman ako isauli ng asawa ko sa tatay ko,” natatawang pahayag ng aktres. Reports from JCC

 

vuukle comment

ARJO ATAYDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with