^

PSN Showbiz

Style nina Bea at Dominic parang sina Gerald at Julia noon

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Style nina Bea at Dominic parang sina Gerald at Julia noon
Gerald at Julia
STAR/ File

Gerald at Julia, hinahanapan na ng kasal

Habang grabe ang natanggap na papuri nina JM de Guzman at Yam Concepcion mula sa netizens matapos matunghayan ang kinahantungan ng obsesyon ni Peterson (JM) sa asawang si Rita (Yam) sa hit serye na Init sa Magdamag abala naman pala ang aktres sa paghahanda sa kanyang kasal sa New York ngayong end of the month.

Ito ang sinabi ni Yam sa interview ni MJ Felipe nang makausap niya ito sa New York.

Two months na si Yam si New York kung saan naka-base ang fiancee niyang si Miguel Cuunjieng at solo raw siyang abala sa nasabing kasalan na very intimate with families and friends lang.

Anyway, nakabilang sa top trending list ang hashtag ng episode na #ISMBatteredWife, pati ang mga karakter nina JM at Yam na si Peterson at Rita.

Sa naturang episode, napanood ng viewers kung paano sinaktan at pinagsamantalahan ni Peterson ang kahinaan ng asawa dala ng hindi makatwirang pagseselos kay Tupe kahit wala itong pruweba. Nakatakas si Rita at naabutan nina Tupe (Gerald Anderson) at Raymund (Albie Casino) kaya naman naitakbo siya ng ospital. Ngayon, namimiligro na ang pagbubuntis ni Rita.

Mainit ang naging kilig ng netizens sa ‘memory box’ photos ni Julia Barretto kasama ang karelasyong si Gerald Anderson sa Baguio.

At ang wish nila sa dalawa “keep the love burning.”

Dama raw nila ang init ng pagmamahalan ng dalawa ayon sa kanilang followers.

Kasama sa nasabing memory box ni Julia ang kanyang pamilya.

Pinatutunayan ng magka-relasyon na super close si Gerald sa family ng actress.

Kasal na rin lang ang hinihintay nila.

Todohan na ang sweetness ng dalawa pagkatapos na ilantad ang kanilang relasyon hindi katulad noon na pulos palihim ang mga lakad nila na siya ngayong style nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

vuukle comment

JULIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with