^

PSN Showbiz

Kyla, tatlong beses nang nakunan

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kyla, tatlong beses nang nakunan
Kyla

Malungkot na balita ang ipinost ng singer na si Kyla sa kanyang Instagram account kahapon.

Sa pangatlong pagkakataon ay nakunan na naman siya. My heart is broken in levels deeper than you may ever have imagined. Our little angel, please watch over me, your Daddy, and Kuya Toby. Send our hugs and kisses to your 2 siblings in heaven. We love you, our Millie. ”

Buhos ang mensaheng ipinarating sa kanya mula sa pamilya, malapit na kaibigan at mga katrabaho. Dama naman ni Kyla ang pagmamahal sa kanya ng pamilya, saka bata pa rin naman sila ng mister niyang si Rich Alvarez.

Fanny Serrano, isinugod uli sa ICU

Nakatanggap ako ng tawag mula kay Sen. Bong Revilla Jr. dahil pinapa-

confirm niya sa akin kung totoong nasa Philippine Heart Center daw si Tita Fanny Serrano. Gusto kasi niyang magpaabot ng tulong, dahil pangalawang beses nang na-hospital ang pamosong beauty expert at kailangan na raw ng tulong para sa hospital bills nito.

Noong unang na-hospital si Tita Fanny na kung saan ay medyo nagdelikado rin ito, kaagad namang tumulong ang mga malalapit niyang kaibigan.

Ang dinig ko, malaki rin ang naibigay na tulong ni Sharon Cuneta at ang mag-asawang Duke Ventura at Amy Austria ang talagang nag-asikaso sa kanya.

Noong July 6 ay ibinalik na naman pala siya sa Heart Center at na-ICU na raw ito. Nasa regular room na raw siya ngayon at okay naman daw ang kalagayan. Mabuti at marami pa rin ang nagpapaabot ng tulong at isa na nga rito si Sen. Bong Revilla.

Samantala, nagpasalamat din ang StarStruck avenger na si Abdul Raman dahil nung ibinalitang na-stroke ang kanyang ina at nangangailangan ito ng financial help para sa hospitalization, ang daming nagpaabot ng tulong.

Bukod sa mga kasamahan niya sa Legal Wives na naging malapit na sa kanya, may fans at malalapit na kaibigan ang nagparating ng tulong. Nag-post nga ito sa kanyang social media account na nagpapasalamat siya at hindi na raw nakakatanggap ang GCash account niya dahil sa rami ng mga nagpadala ng financial na tulong. “I am so grateful for everyone na nag-participate and magpa-participate pa lang.

“Please po if di na pumapasok sa GCash, ipadala niyo na lang po sa Metrobank ko po. Thank you po. “Abdul Rahman Santos Eldakroury, Acct. number 3153315161496.”

Agimat... nagdagdag ng eksena sa ending

Last two Saturdays na lang ang Agimat ng Agila ni Sen. Bong at mapapanood na ngayong gabi ang mga maaksyong eksenang kinunan nila ni Sanya Lopez sa Tanay, Rizal noong nakaraang linggo.

Sabi ni Sen. Bong, parang mas gusto talaga ng televiewers ang mga maaaksyong eksena kaya nagdagdag pa sila at ginawang mas kapana-panabik ang ending nito.

Bago ang Agimat ng Agila ay ang pilot episode na ng Pepito Manaloto: Unang Kuwento na base sa teaser, nakakaaliw ang mga tagpo at ‘80s pa ang setting.

Makulay ang dekada 80, na kung saan ang ganda ng fashion pati ang music na napasikat noon. Panahon din ito ng EDSA Revolution na pinag-aaralan na ng mga kabataan ngayon. Kaya maganda ring balikan natin ito sa Unang Kuwento.

vuukle comment

KYLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with