^

PSN Showbiz

Marian, papalakihin muna ang mga anak!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Marian, papalakihin muna ang mga anak!
Zia, Marian at Ziggy

Hindi pa siguro nami-miss ni Marian Rivera ang kamera. Kasi nga enjoy na enjoy pa rin siya sa pag-aalaga sa dalawang anak niya, siguro dagdag pa si Dingdong Dantes na hindi pa rin guma­gawa ng bagong project ngayon.

Kasi naman sobra sa pagka-cute ang dalawa nilang anak na sina Zia at Ziggy kaya siguro mas nahihilig sila na mag-stay sa bahay.

Tutal nga naman hindi pa full blast ang showbiz ngayon dahil sa pandemic, at iba pa rin ang situation sa taping o shooting kaya palagay ni Marian ay hindi pa siya makaka-adjust sa mga pagbabago, like lock-in na kailangang mawala siya sa halos isang buwan.

Hindi nga naman siguro kakayanin ng dalawang bata ngayon na mawala ang mommy nila. So medyo matagal-tagal pa magtrabaho si Marian.

Baka ‘pag hindi na pandemic at medyo malaki na si Ziggy.

Kaya for now, mga replay muna ni Marian ang panoorin natin, mga bagong commercial at ‘yung mga paminsan-minsan niyang pag-apir ‘pag hindi puwedeng tanggihan ang pakiusap ng nag-request.

Andrea, nag-renew ng kontrata

Pumirma ng bagong kontrata sa GMA 7 si Andrea Torres. In fairness naman, talagang alagang-alaga ng Artist Center na may hawak kay Andrea ang career nito.

In fact, magaganda ang projects niya, at kahit kung minsan may pinagdadaanan na intriga, maayos itong nahahawakan ng GMA 7.

Bale maituturing mo na isa sa top stars ng istasyon si Andrea, together with Marian, Jennylyn Mercado at iba pa.

Nagpakitang gilas naman sa lahat ng ginawa niyang project si Andrea, at tulad ni Sanya Lopez ay masasabi na rin namang bankable dahil nag-rate ang mga serye niya.

Good for Andrea na pumirma uli sa Artist Center at sa GMA 7, tunay na naging tahanan niya sa kanyang career at talagang nag-alaga sa kanya.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with