^

PSN Showbiz

Olivia Rodrigo, pantapat sa Korean superstars

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Olivia Rodrigo, pantapat sa Korean superstars
Pres. Biden at Olivia
STAR/ File

Pinasalamatan ni Pres. Biden

Ano kayang local big company ang kukuha sa Fil-Am singer na si Olivia Rodrigo para maging endorser (Fil-Am ang father niya)?

Massive ang popula­rity ni Olivia sa international scene to date na umingay sa kanta niyang Driver’s License.

In demand ngayon sa atin ang mga Korean superstar as endorser, why not her na may dugong Pinoy na pop sensation / superstar ang status sa America.

Aside from Driver’s License, number 1 din ngayon sa Billboard Hot 100 ang isa pa niyang kantang Good 4 You at nasa top 10 din ang Déjà vu.

At ang latest news sa kanya ay ang pagbisita sa White House para makipag-meeting kay US President Joe Biden and US COVID-19 medical adviser Anthony Fauci para i-encourage ang mga kabataang Amerikano na magpabakuna kung saan nagkaroon pa siya ng press briefing sa White House brie­fing room podium.

Ayon sa online stories, magre-record si Olivia ng videos para i-encourage ang mga kabataan sa importance ng COVID vaccine at sasagot sa mga important question kung bakit kailangan nilang magpa-vaccine. “Hey, I’m Olivia Rodrigo and today I’m at the White House meeting with President Biden and Dr. Fauci because it’s so important that we all get vaccinated. It doesn’t matter if you’re young and healthy, getting the vaccine is about protecting yourself, your friends and your family. Let’s get vaccinated!,” ang isa agad sa video na ginawa niya para sa nasabing campaign shared by the White House account sa Twitter.. 

Sino kayang local celebrity ang gagaya kay Olivia, ‘yung pupunta ng Malacañang para sa kampanya ng COVID-19 vaccine?

Pinasalamatan naman siya ni US Pres. Biden. “Thanks for stopping by, Olivia.” 

Niwey, baka naman may kumuha na sa kanyang maging endorser sa bansa.

Coco at Julia, abala

Aww, all over social media sina Coco Martin and Julia Montes na nagso-shooting pala ng pelikula. Actually, parang ito na ang hinihintay ng kanilang fans.

Isa nga sa mga nag-share ng kanilang gagawing pelikula ay si Pola Mayor Jennifer Mindanao Cruz (former Ina Alegre) ng photos with them.

Ang Pola ay isang bayan sa Oriental Mindoro na birthplace rin Kabayang Noli de Castro kung saan mayor ngayon ang former sexy star.

Bukod dito, meron pa silang photo na may caption na ‘Shooting’ na shared ng kanilang fans club.

Lately ay sunud-sunod ang sighting kina Coco at Julia.

So aamin na kaya sila finally, officially?

Matagal nang walang ganap sa career ni Julia, mapa-teleserye at pelikula.

Ang last teleserye ni Julia ay ang 24/7 February of 2020.

Si Coco naman ay sa digital platform na lang napanood ang Love or Money with Angelica Panganiban dahil inabot na ito ng pandemic at hindi pagkaka-renew ng franchise ng ABS-CBN.

Hindi na rin pinag-uusapan lately ang sinasabing pagkandidato ni Coco.

vuukle comment

JOE BIDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with