^

PSN Showbiz

Coco at Julia naglantad na!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Coco at Julia naglantad na!
Mayor Jennifer, Julia and Coco
STAR/ File

Tatlong araw na pala sa Pola, Oriental sila Coco Martin para sa isang pelikulang sinu-shoot nila roon.

Ang kaibigan naming si Mayor Jennifer Mindanao Cruz o mas kilalang si Ina Alegre ang alkalde roon at personal niyang inasikaso ang naturang shooting.

Isang action movie raw ito na dinidirek ni direk Brillante Mendoza at kasama rito ni Coco si Julia Montes.

Ilan pa sa mga artistang naka-lock in doon ay sina Raymart Santiago, Lotlot de Leon at Allan Paule.

May ilan pa sana akong tanong tungkol sa project kaya nag-text ako kay direk Brillante, pero hindi pa siya sumasagot as of presstime.

Personal na inaasikaso ni Mayor Ina, dahil gusto naman talaga niyang magamit ang magagandang lugar nila sa Pola sa mga pelikula o TV series. Safe raw kasi roon dahil sobrang mababa ang COVID cases, dahil talagang nag-iingat daw sila.

Vaccinated naman daw silang lahat doon para matiyak lang na safe sila at walang magkakasakit.

Ang panalangin pa nila na hindi lang magkabagyo para tuluy-tuloy ang shoo­ting roon.

Sef at Mikee, ‘Di Apektado Ng Pressure

Hindi maiwasang makaramdam ng pressure ang mga bida ng bagong sitcom ng GMA 7 na Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento na sina Sef Cadayona at Mikee Quintos, dahil bukas na mapapanood ang naturang sitcom na pansamantalang papalit sa timeslot ng Pepito Manaloto nina Michael V. at Manilyn Reynes.

Kakaibang comedy ito na ‘80s ang setting dahil prequel nga ito ng kuwento nina Pepito at Elsa Manaloto na ginampanan nina Bitoy at Mane. At hindi maiwasang maikumpara ito sa sikat na sitcom. “I think inevitable naman talaga na kahit anong mang­yari magkakaroon ng ganung pressure,” pakli ni Sef sa virtual mediacon ng naturang sitcom.

“Iyon nga ang ano namin ni Mikee na kumbaga, magagamit namin siya in a positive way na ito ‘yung pressure na kailangan nasa set at mabigay namin ang best namin.

“Kaya naming aminin kung saan kami medyo mahina at kung saan alam namin ang medyo malakas.

“Natutulungan talaga namin ang isa’t-isa para ma-portray siya kung ano ‘yung gusto nila direk,” sabi pa niya.

Mabuti’t talagang pinapakialaman ito ni Bitoy at bahagi pa rin sina Bitoy at Mane dito na siyang magbubukas at magtatahi ng kuwento.

“Very fortunate din kami na nandun nga sina Kuya, sina Ate Mane na ang daming study materials na talagang puwede naming aralin and ‘yung mga nuances since eto ‘yung high school life nina Pepito and Elsa.

“Kaya para sa akin, ‘yung pressure at saka ‘yung pagku-compare tine-turn ko siya into something positive para talagang mabigay namin ‘yung best outcome for a scene sa aming dalawa ni Mikee,” dagdag pa ni Sef.

Bukas naman daw sila sa mga improvement sabi ni Mikee.

“At this point siguro mas excitement na po ang napi-feel ko eh.

“Pero aaminin ko po, pressure din po ang naramdaman ko sa first few days nga po ng aming taping,” saad naman ni Mikee.

Aware rin si Mikee na may nagre-react na fans nila ni Kelvin Miranda sa The Lost Recipe. Pero supportive naman daw sila sa kani-kanilang projects. Si Kelvin naman kasi ang leading man ni Beauty Gonzalez sa gagawin nitong soap sa GMA 7.

“Supportive sila even sa mga individual projects naming dalawa ni Kelvin and hindi naman po…sana po hindi naman yun maging last,” pahayag pa ni Mikee.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with