^

PSN Showbiz

Joem ‘di pa kayang tawaging daddy si Willie!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Joem �di pa kayang tawaging daddy si Willie!
Joem at Meryll
STAR/ File

Marami ang masaya, at hopeful na maraming magagawang tulong si Mr. Johnny Manahan sa  Kapuso artists na hawak ng GMA Artist Center.

Sabi nga niya sa nakaraang mediacon, pagkatapos siyang i-welcome sa GMA 7, kailangang i-prioritize pa rin ang mga homegrown talents ng GMA 7 kahit maraming naglilipatang galing sa Kapamilya network.

“Maganda kasi ‘yun eh, yung layunin na ‘yun na unahin muna ‘yung homegrown talents rather than ‘yung mga tumatalon ng bakod, umaakyat ng bakod.

“So, that’s one of the main goals of Artist Center is to prioritize homegrown talents,” pakli ni Mr. M.

Hindi niya itinangging may Kapamilya artists na kumausap sa kanya na isama na siya sa paglipat nito sa GMA 7.

“I was able to get a very nice contracts for them doon. So, just wait until the contracts are finish and then you can make up your mind kung saan kayo talagang mananatili,” napapangiti niyang pahayag.

Nakatsikahan naman namin si Joem Bascon sa programa namin sa DZRH na nagpu-promote ng digital movie na The Other Wife para sa Vivamax, na masaya na malungkot daw siya para kay Mr. M.

Aniya; “Siyempre may lungkot, may saya. Alam mo ‘yung malungkot kasi maalala mo ‘yung pinagdaanan ng lahat na magkasama. Siyempre ‘yung nangyari sa ABS-CBN. Pero I’m happy, and positive ako sa paglipat niya kasi alam kong marami siyang matutulungan na kailangan ang kanyang guidance.”

Nagbigay naman ng magandang pahayag ang mga Kapuso artists, at excited sila sa tulong na maibibigay ni Mr. M sa kanila.

Sabi ni Ruru Madrid; “Of course I am very happy po na kasama na po natin si Mr. M sa Kapuso network. Kilala siya bilang mentor at tatay sa industriya, at marami na ring natulungan upang makamit ang kani-kanilang pangarap.

“I am looking forward to work with him sa mahabang panahon at inaasahan ko na marami  siyang maituturo sa akin na mga bagay na dadalhin ko habang buhay.”

Saad naman ni Jeric Gonzales; “Looking forward po ako na ma-meet si Mr. M.

“Alam naman natin kung paano niya inalagaan ang mga ABS talent na tinitingala na ngayon.”

Samantala, ‘Sir Wil’ pa rin ang tawag ni Joem Bascon sa ama ni Meryll Soriano na si Willie Revillame, tuwing nadadalaw daw sila kasama apo ng TV host na si Guido.

Inaasahan naman kasing sa kasalan na ang patutunguhan ng relasyon nila ni Meryll, pero hindi pa naman daw nila napapag-usapan. “Dumadalaw kami kay Sir Wil, lagi naming dinadala si Guido sa kanya. In passing, nakakamusta niya ako,. Gigil na gigil siya kay Guido.

“Ang saya ko lang na nakakapagbigay ligaya si Guido, hindi lang kay Sir Wil kundi sa family namin ni Meme (tawag niya kay Meryll), kay Ate Maria…kay Ms. Maricel,” pahayag pa ni Joem sa tsikahan namin sa DZRH nung nakaraang Martes ng gabi.

Kaya tinanong na namin siya kung kailan na ba siya ready na tawaging Daddy si Willie.

“Hindi ko po alam eh. Kasi nasanay na akong Sir Wil talaga ‘yung tawag ko sa kanya. Ever since, ‘yun talaga ang tawag ko, kahit makikita ko siya anywhere, Sir Wil talaga ang tawag ko. Nasanay na kasi ako na ganun. I don’t kung kailan, hindi ko pa po masasabi ngayon,” parang nahihiya pa niyang sagot sa amin.

“Alam mo ‘pag nakikita ko si Sir Wil na-starstruck pa rin ako sa kanya eh. Talagang napakabait nung tao, ang dami nang nagawa, narating at natutulungan,” dagdag niyang pahayag.

Sa ngayon ay ine-enjoy daw muna nila ni Meryll ang pag-aalaga sa kanilang baby.

Darating naman daw sila sa puntong pag-uusapan na ang wedding plans.

Thankful naman si Joem na hindi siya nawawalan ng trabaho.

May series pa siyang magsisimula sa iWant TV at itong The Other Wife kasama sina Lovi Poe at Rhen Escaño na magsisimula na ang streaming sa Vivamax, KTX.Ph at iWant TFC sa July 16.

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with