^

PSN Showbiz

Papasikat na female ­personality, mahina ang utak!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Mahina pala ang kokote ng isang female personality na unti-unting gumagawa ng pangalan ngayon sa showbiz.

Palibhasa may ganda at nahasa ang talento sa pagkanta at pag-arte, sinubukan niyang sumali sa iba’t ibang artista search upang matakpan ang kahinaan ng isipan.

‘Yun nga lang, hindi siya lapitin ng suwerte sa ilang contests na sinalihan.

Eh dahil sa tiyaga at pinagbutihang mabuti ang talento, napansin naman siya ng isang patimpalak. ‘Yun nga lang, hindi pa rin siya tinanghal na kampeon!

May projects nang ginagawa ang female personality. Natututo na rin siya sa buhay pero nandoon pa rin ang stigma sa nakakakilala sa kanya na mahina ang kokote bago nagkapangalan!

Sa totoo lang naman kasi, hindi lahat ng magaganda ay matalino, huh!

Hindi siya nag-iisa sa showbiz. Magpakatalino na lang ang female celeb sa buhay nang sa gayun eh mabago ang image niya sa mga unang nakakakilala sa kanya.

Mahina pala ang kokote ng isang female personality na unti-unting gumagawa ng pangalan ngayon sa showbiz.

Consultant na ng GMA Artist Center ang star-builder at director na si Johnny Manahan. Feeling niya sa pagtatrabahong muli, “Parang nabuhayan muli!”

Magreretiro na si Mr. M sa showbiz matapos ang trabaho sa TV5 at ibang commitments. Pero nandun pa rin ang itch niya na magtrabaho pa lalo na ngayong pandemic kaya tinanggap niyang maging Kapuso.

Gusto niyang makatrabaho muli si Alden Richards.

Gusto rin niyang makatrabaho ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, at Heart Evangelista.

vuukle comment

MR. M

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with