^

PSN Showbiz

Hubaran sa mga digital movie ‘di mapakialaman dahil sa batas ni Marcos!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Dismayado daw ang dating MTRCB Chairman Manoling Morato sa muling pagpapalabas ng mga pelikulang bold pa lang naman.

Naghuhubaran at hubuan pa lang naman, wala pang actual “penetration” na nakikita.

Dismayado rin siya dahil walang magawa ang MTRCB, dahil inilalabas lang ang mga pelikula ngayon sa internet. Hindi sakop ng batas nila ang internet dahil nang gawin naman ni dating Presidente Marcos ang PD 1986, wala pang internet noon.

Pero tama si Manoling. Kung gugustuhin ng gobyerno maaaring ma-control iyan. Iyong pornographic website sa Pornhub, naipa-block iyan ng NTC sa Pilipinas. Kaya lang magagaling ang mga gumagamit ng computers, may nakuhang application na magpapalit ng kanilang IP address at lalabas na wala sila sa Pilipinas. Mabubuksan pa rin nila ang Pornhub. Pero at least nabawasan.

Palagay namin dapat i-review na ng kongreso ang batas ng film classification para isama ang internet. Mas mahalaga naman iyan kaysa sa ginagawa nilang regulasyon sa pagluluto ng adobo at sisig. Pati ba pagluluto namin ng adobo pakialaman pa?

Kung kokontrolin mo naman ang internet, papaano ang mga user ng internet na gumagawa ng sarili nilang sex video at ipinagbibili rin.

Malaking negosyo pala iyon. Lumabas sa show ni Jessica Soho na ang isang dating macho dancer, kumikita na ngayon nang mahigit 30K isang buwan sa internet videos na naibebenta niya, at ni hindi nagbabayad ng tax iyon.

Maraming gumagawa ng self sex videos, karamihan ay dating artista pa sa mga gay indie films na tiyak mas malaki pa ang kinikita.

Papaano mo pipigilin iyon eh ni hindi mo alam kung nasaan iyon. Ang bayaran naman ay sa pamamagitan lang ng mga payment applications / remittance service. Hindi naman nila pangalan iyong nasa remittance.

Pati prostitusyon nga nasa internet na eh.

Sarah at Piolo, ‘di natuloy sa GMA

Sa pamamagitan ng video, sinabi nina Sarah Geronimo at Piolo Pascual na hindi sila aalis sa ABS-CBN matapos ang isang taong nakasara ang network.

Nauna rito, may sinasabing magbabalik si Sa­rah sa GMA, iyon pala ilalabas lang ang kanyang concert na dating inilabas na sa internet.

Si Piolo, sinabing posib­leng lumipat din sa GMA matapos na sabihing si Mr. M (Johnny Manahan) ay lilipat na rin doon, pero hindi rin naman pala.

Si Angel Locsin ay naniniwala namang sooner or later magbubukas din ang ABS-CBN.

Nagkakaroon na nga lang ng kulay pulitika dahil ngayon ineendorso nila ang 20 kongresista na bumoto pabor sa kanilang franchise, at nagkakampanyang huwag iboboto ang 70 na bumoto laban sa kanila.

Kasabay noon, sinusubukan pa nila ang isang paraan para mabaliktad ang na­ging desisyon ng House of Representatives na ibasura na ang kanilang renewal of franchise, at iyan ay sa pamamagitan ng peoples’ initiative. Kung mapapapirma nila ang sampung porsiyento ng kabuuang bilang ng mga botante sa buong Pilipinas, at kailangang beripikado iyan ng Comelec, maaaring ang mga tao, sa isang referendum ang magdesisyon kung bibigyan ba ng bagong franchise ang ABS-CBN o hindi.

Nagsimula na raw ang pagpapapirma sa Bicol, at maging sa NCR plus.

Posible iyan pero mahirap na laban, dahil kailangang mas maabot o makumbinsi ang mas maraming tao. Para kang sumali sa isang national election, at kailan ang referendum? Aabot ba ang mga pirma at mabeberipika ba iyon ng Comelec in time para sa 2022 elections?

Pero handa naman siguro silang makipaglaban nang mas mahaba pa. Nasara sila sa loob ng 14 na taon noong martial law, at nakapagbukas ulit.

Baka naman sakaling magkaroon ng mga pagbabago at makapagbukas nga sila ulit, hindi mo masasabi ang takbo ng panahon.

Ganyan din naman ang nangyari sa ibang networks noong magrebolusyon sa EDSA. Na-sequester ang tatlong TV stations, kinuha ng gobyerno ang dalawa, at iyong isa ay ipinagkaloob sa ABS-CBN.

Ganoon lang talaga ang ikot ng mundo.

vuukle comment

MTRCB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with