^

PSN Showbiz

Kylie mas naging happy nang lumayas sa bahay ni Aljur!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi kaya ma-offend nito si Aljur Abrenica dahil hindi pala kinonsider ni Kylie Padilla na kanyang dream house ang bahay ni Aljur na matagal din nilang tinirahan. Mula nang magsama sila, ikasal at magkaanak ng dalawa, sa bahay na ni Aljur sila nakatira.

Nitong maghiwalay sila at lumipat sa ibang bahay si Kylie, ang tawag nito sa bagong bahay ay dream home. Pinost nito sa kanyang IG Story ang 3D floor plan ng bahay at may caption na “It’s coming true. My dream home, my gosh so happy.”

Malinis ang 3D floor plan ng part ng house na pinost ni Kylie, ang di­ning area, kitchen, isang room, at sala ang makikita. Siguradong may iba pang parte ang bahay dahil nabanggit ni Kylie na may training area sa bago niyang bahay. Babalik na nga siya sa pagti-training ng Muay Thai gaya ng payo ng amang si Robin Padilla.

Frankie pinagtanggol ang mga mata ni Sen. Kiko

Ang mga mata ni Frankie Pangilinan naman ang napagtripan ng isang pa-woke na walang magawa sa buhay ang comment na “Honest lang, maganda ka sana. Tabunan lang yong mata perfect na.”

Ang larawan ni Frankie na kuha yata sa music video ng new single niya ang tinukoy ng netizen. Sa napanood kasi namin, pinagalaw ni Frankie ang kanyang mga mata na siguradong kasama sa eksena.

Sagot muna ni KC Concepcion sa basher, “Honestly lang, in what world is it okay to say this to anyone” na nang mag-react ang followers niya sa Twitter at awayin ang basher, hinabaan ni Frankie ang reaction.

“Sanay na po ako i can laugh these things off really easily, but there’s something so upsetting about thinking there are little girls who’ve never been insecure of themselves and could read comments like this only to look in the mirror and see flaws they’ve never seen before.

“Nakakapagod na po. Minsan pa nga nakakasira ng araw o buong linggo. Hindi opinyon ang pagmumukha. Mahal ko ang mga mata ng tatay ko, na namana nya sa nanay nya, na namana ni lola sa lola kong haponesa. Gwapa mga lola ko kaya alam ko gwapa din ako hehe.”

Paborito ngang i-bash si Frankie, pati rin naman si KC at ang maganda sa magkapatid, sinasagot ang namba-bash sa kanila kapag sumosobra na.

AiAi, 5 years nang walang sugar sa katawan

Dusa at ang hirap pala ng diet ni AiAi delas Alas para ma-maintain ang weight niya at ang ganda ng kanyang katawan. Nasa hashtag nito ang “#5yearsorganicandgluteenfreeeating, #lesssugar, #norice.” Dusa na, magastos pa ang sinusunod niyang diet.

Ang mahal ng gluten free at organic food at minsan, mahirap hanapin. Tapos wala pang sugar ang food intake niya at five years na rin siyang hindi kumakain ng rice. Kaya nag-react si AiAi sa sinabing rason ng fake news na kaya siya namatay dahil sa diabetes.

Paano nga naman magkaka-diabetes si AiAi kung no sugar intake siya and no rice at ang sugar niya ay galing sa fruits na kanyang tine-take. Pero, tingnan n’yo naman, ang ganda ng aura ni AiAi at sabi pa ng isa niyang hashtag, #superbawasangtopak.

 

vuukle comment

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with