^

PSN Showbiz

Aktres na reyna ng katamaran, pinagsawaan ng mister na obsessive-compulsive!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming relasyong nawawasak dahil sa magkaibang ugali ng magkarelasyon. Natural lang na hinahanap ng lalaki sa babae ang kanyang pamantayan sa buhay.

Maraming obsessive-compulsive na kalalakihan, sila ang mga tinatawag na OC, maayos sila at ayaw sa makalat na kapaligiran.

Maraming showbiz relationship ang nagtapos dahil sa pagiging burara ng babae, hindi na nakatiis ang lalaki kaya mababaw man ang dahilan ay nakipaghiwalay na lang, marami sila.

May dating mag-asawang singers na ganu’n ang dahilan ng paghihiwalay. Palibhasa’y malinis at maayos sa bahay ang lalaki, at ganu’n naman sa pagiging burara ang babae, nagkani-kanyang landas na lang sila.

Pero ibang-iba ang kuwento ng aming source tungkol sa isa pang hiwalayan na ang pagiging OC rin ng lalaki ang dahilan.

Kuwento ng aming source, “Una, tamad ang girl. Ang male personality pa ang nag-aasikaso sa kanya. Hindi nga niya matandaan kung ipinagtimpla man lang ba siya ng kape ng female personality sa buong panahon ng kanilang pagsasama.

“Wala siyang maalala, dahil kung gumising ang girl, e, merienda time na. Napakatamad niya, tulog lang siya nang tulog, kaya ang lalaki ang nag-aasikaso sa mga anak nila,” komento ng aming impormante.

Kinatatamaran daw ng female personality ang lahat. Wala siyang pakialam kung merong laman ang kanilang refrigerator, kung meron pa ba silang bigas, sleeping beauty lang siya palagi.

Patuloy ng aming source, “Pagod na pagod na nga ang mister niya sa katatrabaho pero siya pa rin ang kailangang mag-grocery. Aalis siyang tulog ang wife niya, tulog pa rin niyang dinadatnan kapag umuuwi na siya!

“At kapag nagbibihis daw ang girl, e, parang ahas lang na naghuhunos. Nakabagsak sa floor ang mga hinubad niyang damit, meron naman silang lalagyan, kaya parang asong buntot nang buntot sa kanya ang male personality para damputin ang mga pinagbihisan niya.

“Nagtu-toothbrush siya, hindi man lang niya ibinabalik ang takip ng toothpaste, nakakaloka nga naman ‘yun lalo na kung OC ang lalaki.

“Ayun! Nu’ng hindi na makatagal ang male perso­nality sa wife niya, e, nag-usap na sila nang masinsinan. Ang lalaki ang umalis ng bahay, pero suportado niya naman ang mag-iina.

“Wala nga namang mangyayari sa buhay nila kung ganu’n ang female personality! May kani-kanyang buhay na sila ngayon, maayos ang naging karelasyon ng male personality, marunong sa buhay!” nakairap na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Robin at BB, nagkaayos nang mamatay si royette

Napakalaki ng ipinagbago ng relasyon ni BB Gandanghari sa kanilang pamilya mula nang mamayapa ang kanilang kapatid na si Royette Padilla.

Nakakaaliw ang mga kuwento ni Robin sa YouTube Channel ni Ogie Diaz, lalo na tungkol sa namamagitang komunikasyon ni BB kay Mommy Eva, tawa nang tawa ang action star.

Iyak daw nang iyak si BB Gandanghari kapag nag-uusap silang ma­­g-ina, kaya kuwento ni Robin, “Namatay ang alaga niyang asong si Iman, di ba? E, parang anak niya na ang asong ‘yun, e! Sabi ko nga, e, ibibili ko na lang siya uli ng aso!

“Grabe kasing umiyak si BB, humahagulgol siya na parang aso ang dating, e, awoooooooo!!!! Parang aso na rin ang pag-iyak niya!

“Kapag ganu’n ang pag-iyak niya kay Mama, ang sinasabi sa kanya, ‘Buti ka nga, aso lang ang nawala sa iyo. E, ako, ang Kuya Royette mo.’

“Mas maayos ang relasyon namin ngayon, naiintindihan na namin ang landas na pinili niya. Nagtampo lang siya sa amin nu’n dahil hindi raw namin siya matanggap.

“E, ibang tao na siya ngayon, e! Hindi na siya ‘yung dati. Paano naman namin siya matatanggap nu’n, e, hindi naman kami makapasok sa bagong landas na pinili niya!” tawa nang tawang kuwento ni Binoe.

Sa kanilang magkakapatid daw ay sila nina Rustom at Richie ang hindi masyadong nabigyan ng atensiyon ni Mommy Eva nu’ng lumalaki sila.

Naiintindihan naman nilang magkakapatid ‘yun dahil si Mommy Eva na ang tumayo nilang ama’t ina, hindi nga naman ganu’n kadali ang pinapasang krus ng kanilang ina, marami pa naman silang magkakapatid.

“Kaya ngayong 84 na si Mama, para bang ngayon lang siya bumabawi at naglalambing sa amin,” matanaw ng utang na loob at pagmamahal na pahayag ni Robin Padilla.

Isa lang ang kanyang komento tungkol sa mga bashers, “Naku, hindi ko sila pinapansin! Puro bayaran naman ang karamihan sa kanila!”

 

vuukle comment

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with