^

PSN Showbiz

Willie, desidido na sa 2022

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Halos iisa ang hula ng netizens nang magsalita si Willie Revillame sa Wowowin noong nakaraang Huwebes ng gabi. Papasukin na niya ang pulitika at kakandidato itong senador sa 2022 elections.

Sabi ni Willie, sa tamang panahon daw ay sasabihin din niya ang magiging desisyon niya.

Alam naman ng lahat na nagbigay ng mensahe sa kanya si Pres. Rodrigo Duterte na pinapatakbo siya sa kanyang partido. Pero noon ay tahasang sinasabi ni Willie na hindi niya papasukin ang pulitika.

Masaya na raw siyang nakakapag-abot ng tulong sa mamayan. Kaya nga ang ibang reaction ay nalulungkot na mawawala siya sa Wowowin kung sakali.

Meron namang nagsasabing susuportahan nila si Kuya Wil.

Pero may ilang taong malapit kay Willie na nagsasabing mas mabuting ituloy pa rin niya ang Wowowin, at huwag na niyang subukan ang pulitika. Nakakatulong naman siya kahit wala siya sa posisyon.

Noong nakaraang linggo lang ay mahigit limang milyong piso rin ang ipinangako niyang ibibigay na tulong sa mga sundalo.

Nagbigay siya ng financial support sa mga sundalong namatay sa sa military, at pati ang ibang sundalo ay nangakong aabutan din niya ng financial support.

Ex-MTRCB chair, naloka sa revirginized ni Sharon

Samu’t-sari rin ang mga reaksyon sa digital movie ni Sharon Cuneta sa Vivamax na Revirginized kasama si Marco Gumabao na mapapanood na sa August 6 sa Vivamax.

May mga ilang natutuwa, pero ang karamihan sa mga nakakausap namin ay dismayado para sa Megastar. Hindi naman daw kailangang gawin pa ito ni Sharon, at wala na siyang kailangang patunayan pa.

Isa nga sa nagpahayag ng pagkadismaya ay ang dating MTRCB Chairperson at PCSO Chairman ding si Manoling­ Morato.

Nagulat kami kay Mr. Morato nang nakita na­ming dumalo sa product launch ng Oracur Solution spray na ginanap sa Marco Polo Hotel sa Pasig noong nakaraang Sabado.

Naungkat kasi ang paghihigpit noon ni Mr. Morato sa mga pelikulang ipinapalabas at ibang-iba na ngayon dahil nasa iba’t-ibang streaming apps na lang napapanood ang digital films na hindi sakop ng MTRCB.

Nalulungkot daw siya sa mga tila soft-porn movies na naipapalabas sa internet. At isa nga sa nadismaya raw siya ay itong pelikula ni Sharon na kaibigan pa naman daw niya ang mommy nito. Sabi ni Sir Manoling; “Hindi tama ‘yung kay Sharon. I know the mother very well. I knew her. Pero Revirginized, is something you cannot allow.”

Doon na niya inilitanya ang mga pelikulang hindi niya ipinasa noon dahil sa mga double-meaning o salacious ang title ng isang pelikula. “Under the law you cannot have a double meaning or salacious title,” dagdag niyang pahayag.

Samantala, napapag-usapan din ang tungkol sa kinatitirikan ng building ng ABS-CBN 2 na sinasabi noong pag-aari daw iyon ng pamilya ni Sir Manoling. “That’s not true.  Ang aking property is right across Mario’s restaurant, ‘yung white building. I live in the penthouse. That’s mine. I have nothing to do with ABS-CBN,’” diretso niyang sagot.

Nagulat kaming malakas pa rin si Sir Manoling at proud siyang buong-buo pa rin ang ngipin niya sa edad na 87.

Taong 2008 pa raw siya gumagamit nitong Oracur na lagi niyang ginagamit na oral spray. Kaya niya sinuportahan ang launching nito noong nakaraang Sabado na inimbento at pag-aari ni Dr. Jose Odilon Aranton.

Allen, ayaw iwan si Bong

Doon pa rin sa launching ng Oracur ay nakatsikahan namin si Allen Dizon na isa sa kinuhang endorser ng naturang produkto.

Inamin niyang kinukuha nga siya ng isang sikat na teleserye ng Kapamilya channel, pero sinabi raw niya sa manager niyang si Dennis Evangelista na gusto sana niyang manatili pa rin sa GMA 7.

Natutuwa siyang pinag-guest siya sa First Yaya at kasama siya sa Agimat ng Agila.

Kung magkakaroon ng season 2 ang action-adventure ni Sen. Bong Revilla, gusto raw sana niyang kasama pa rin siya. Nagustuhan naman siya ni Sen. Bong, kaya malamang na kasali pa rin siya.

“Syempre, kahit paano, sila iyong priority ko ngayon,” pakli ni Allen Dizon na nasa Hall of Fame na sa kategoryang PinakaPasadong Aktor ng Pasado Awards.

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with