^

PSN Showbiz

Pangarap na maging international fashion ­designer ‘di na uli naungkat Vice, galit pa rin sa kumalat niyang ‘fake’ tweet!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Pangarap na maging international fashion ­designer �di na uli naungkat Vice, galit pa rin sa kumalat niyang �fake� tweet!
Vice Ganda

MANILA, Philippines — “Hindi kami galit sa mga lumilipat katulad ng pinapalabas n’yong tsimis sa social media. Hoy 2021 na, ang cheap-cheap ng trabaho n’yo. Cheap n’yo,” paglilinaw ni Vice Ganda sa It’s Showtime noong Sabado tungkol sa lumabas na umano’y tweet niya na nagagalit sa mga naglilipatang mga artista sa GMA 7.

Nagkalat ang screen shot ng nasabing tweet na ayon sa isang nag-check ay verified ang account dahil may blue check.

But anyway, nauna nang sinabi ni Vice na fake news nga ang mga pumik-up ng nasabing tweet na burado na.

So possible kayang na-hack ang account niya?

Or baka naman namalik-mata lang ang mga naka-screen shot? Huh!

Samantala, sina Audrey Hepburn, Princess Diana, Cher, Cruella at marami pang iba. Iyan lamang ang ilan sa mga sikat na personalidad at karakter na ginaya ni Vice sa Everybody, Sing! na nagbibigay ng dagdag aliw sa viewers ng kanyang game show sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWantTFC.

Sa likod ng magagarbong costume at look ni Vice ang mahusay na stylist na si Aron Mangsat, na siyam na taon nang katrabaho ni Vice. Kwento niya, gusto ni Vice na ibahin naman ang looks niya sa community singing game show.

“She (Vice Ganda) wanted a new take on hosting eh. We’ve done GGV for almost nine years and gusto niya mag-veer away from the typical suit and pants,” ani Aron.

Para raw mabuo ang iba’t ibang costume ni Vice todo raw ang planning ng dalawa upang mabigyang hustisya ang icon na gagayahin.

“Working with Vice is always a collaboration. To give you an overview, we both make a list tapos pagbabanggain namin. Mostly inspired ng popular icons and we give it ng twist. In terms of production, as much as possible, a week or two,” pagbabahagi ni Aron, na stylist din ng iba pang Kapamilya stars tulad nina Inigo Pascual, Kyle Echarri, Tony Labrusca, Aljon Mendoza, at Ronnie Alonte. 

Para kay Aron, ang Audrey Hepburn ang isa sa pinaka-memorable na transformation ni Vice dahil parang unang beses na may dalang bag ang isang host. Memorable rin daw para sa kanya ang Princess Diana look ni Vice.

Natutuwa rin daw si Aron na aprub sa viewers ang mga nilikha nilang costumes para kay Vice, na laging trending sa social media.

“Happy and nakaka-pressure dahil need sundan ang bawat looks eh. Dapat mas elevated from week to week. Stay tuned lang sila every week kasi marami pang nakabangko na episodes na for sure maaaliw sila,” sabi pa ng mahusay na stylist.

 Samantala, nag-uwi naman ng P40,000 ang PGH employees at volunteers na sumalang bilang songbayanan noong Sabado (Hulyo 3), habang P20,000 ang premyong paghahatian naman ng songbayanan na contact tracers na bumida noong Linggo (Hulyo 4) sa game show kung saan walang magkakalaban at walang uuwi ng luhaan.

But wait, ano kayang nangyari sa plano ni Vice na maging international fashion designer? “Actually, lately lang, ilang nights ago, meron talaga akong sinasabi na ipe-penetrate ko ang international scene pero hindi sa performing.

“Bigla kong gustong maging designer noong isang gabi kaya kinabukasan, nakipag-meeting agad ako. Nagbuo ako ng team kasi gusto kong magbukas ng, mag-start ng sarili kong label,” aniya sa online interview namin last January.

Wala nang binigay na update si Vice pagkatapos ng nasabing pahayag.   

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with