^

PSN Showbiz

Bea, iniintrigang ­ginagastusan si Dominique

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bea, iniintrigang ­ginagastusan si Dominique
Bea
STAR/ File

Mapera naman daw ang aktor...

Abanger ang ibang fans kung magpo-post na si Bea Alonzo ng photo nila ng nababalitang karelasyon niyang si Dominque Roque na kasama niyang nagbabakasyon sa Amerika.

Oo naman daw at personal na buhay nila ‘yun pero artista sila at nag-e-excite rin ang followers nila sa kanilang personal na buhay.

Hindi ba raw puwedeng mag-ala Bela Padilla si Bea na super proud at happy sa kanyang bakasyon kasama ang boyfriend na foreigner at mga kaibigan nito. Swiss-Italian ang boyfriend ni Bela, si Norman Ben Bay, base sa mga previous post ng Kapamilya actress.

Nasa Tuscany sila Bela sa kasalukuyan.

Bakit ba raw hindi kayang i-post ni Bea si Dominique na napapagkamalang anak ng Kamiseta owner na si Ms. Cris Roque. As in may nagtatanong kung si Ms. Cris daw ba ang mother ni Dominique. Kasi kung si Ms. Cris daw baka raw mas ­maging proud si Bea dahil umaapaw ang mga diamond ng may-ari ng Kamiseta. Hahaha.

Pareho kasi ng last name. Pero ayon kay Ms. Cris, hindi sila related ni Dominique. Si Gino Roque ang anak niya na former Star Magic artist pero ngayon ay freelancer. Si Gino ay nakilala sa Pinoy Big Brother.

Kissing aside, tita ni Dominique ang bestfriend naman ni Judy Ann Santos na si Beth Tamayo.

Uy pero madatung daw si Dominique ha. Kung bakit, ‘di raw nila masyadong alam. Though hindi nga big star ang status ng career niya pero mapera naman daw ito ayon sa mga kuwento.

In fact, nag-invest daw ito sa isang gasoline station recently lang.

Kaya nga raw, imbyerna ang ibang fans ni Dominique kung bakit iniintrigan si Bea diumano ang gumagastos sa ibang trip nila. Yup, may ganung chismis na hindi naman daw true dahil mapera rin ang aktor at may mga negosyo nga ito na minsan ay kinagugulat din ng iba nilang kaibigan ayon sa isang kuwento.

Inintriga kasi si Dominique na diumano’y si Bea pa raw ang gumastos sa bakasyon nila sa Amanpulo bago sila nag-Amerika na parang imposible naman dahil hindi naman siguro papayag si Bea ng ganun.

Anyway, hayaan na natin sila kung ayaw nilang magpost na magkasama habang nasa Amerika.

Pero true kaya na five-year ang pinirmahang contract sa GMA ni Bea?

At malamang daw na si Alden Richards ang magiging leading man niya sa unang teleserye niya as Kapuso.

Coldplay makiki-jam sa ASAP, #ibalikAngABSCBN super trending

Trending kahapon ang­#IbalikAngABSCBN.

One year na kahapon ang pagbasura ng Kongreso sa renewal of franchise  ng ABS-CBN kaya emosyonal ang maraming Kapamilya na alalahanin ang ginawa ng 70 miyembro ng kongreso kung saan maraming nawalan ng trabaho pero lumaban para sa kanilang pangangailangan sa gitna ng pandemya.

Muling naglabasan sa nasabing hashtag ang mga ­pinaglalaban nila na parang kailan lang pero isang taon na pala.

Nagkalat din ang mga litrato ng 70 kongresista na pumatay nga sa nasabing network sa hindi nila pagboto sa pagre-renew ng franchise nito.

At ang paalala nila, sa 2022 na ang election.

Pero ‘yun nga, after a year, nawalan man ng franchise, andiyan pa rin naman ang ABS-CBN. Meron silang ­Kapamilya Channel, nasa A2Z at TV5 naman ang iba nilang mga programa. Napapanood na rin sila sa Cignal.

At malaki ang nagawa ng social media platforms para mas lumawak pa nga ang kanilang market.

Ngayon din, mabilis nang makikita ang mga kwento ng ABS-CBN Integrated News and Current Affairs sa kanilang Facebook page.

Dito nga ay muling mapapanood ng netizens ang mga makabuluhang ulat ng mga programa nila na kapupulutan ng kaalaman at inspirasyon hanggang ngayon. Kabilang sa mga maiikling video na masusubaybayan dito ay tumatalakay sa mga isyung dapat alam ng bawat Pilipino, mga safety tip na kailangan para manatiling ligtas sa araw-araw, at mga dokumentaryong naghahatid ng kamulatan at pag-asa.

Patuloy ding naghahatid ng serbisyo ang News group nila sa pamamagitan ng Facebook at Instagram pages ng mga dating current affairs shows tulad ng Matanglawin, Kuha Mo, My Puhunan, at Sports U.

Sa Instagram, aktibo ang #NoFilter habang patuloy din ang updates sa Facebook pages na Mission Possible, Salamat Dok, Umagang Kay Ganda, SOCO, at Bandila.

Maaari na rin daw panoorin muli ang mga naging ulat ng ABS-CBN Current Affairs programs sa http://news.abs-cbn.com/currentaffairs.

Sa kabila ng pagkawala sa ere ng mga programa ng ABS-CBN Current Affairs noong 2020 dahil sa prangkisa, nananatili silang buhay at in all fairness, ramdam ng mga Pinoy.

Andito kami para sa’yo ang mensahe naman ng ABS-CBN Foundation, mga donor, at volunteer nitong naghahatid ng ayuda kahit walang prankisa sa  pag-aalboroto ng bulkang Taal.

Apektado sa panibagong hamon ang Tanauan City, Nasugbu, Laurel, at Balete sa Batangas na binigyan nila ng food packs, hygiene kits, vitamins, at Ligtas Bags na laman ang mga mahahalagang bagay kapag may emergency.

At kung kailan naman sila walang franchise may,  ASAP exclusive performance mula United Kingdom ang international chart-topping band na Coldplay, tampok ang bago nilang single na Higher Power.

At marami nang nag-alisan sa kanila pero mas marami namang nag-stay at nanatiling loyal sa kanila.

vuukle comment

BEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with