^

PSN Showbiz

TV host, ilegal na ang paninirahan sa Pilipinas!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon

May problema pala sa Bureau of Immigration ang isang TV host / DJ.

Ayon sa reliable source, ito ang rason kaya hindi na ito napapanood sa isang daily program na dati ay co-host siya.

At hindi raw basta problema dahil hindi raw nito inaayos ang mga papeles niya para maging legal ang paninirahan sa Pilipinas.

Half-Pinoy / half-American ang nationality ng TV host.

May batas sa mga overstaying sa bansa.

At dahil more than 10 years na raw nitong hindi inaayos ang kanyang mga dokumento ng pagtira sa Pilipinas at nagnenegosyo pa, hinuhulaang malaki na ang babayaran nitong fine at ipa-deport pa siya agad-agad ‘pag hindi nito nahilot ang BOI.

Kilala namang may pera ang TV host, kaya gulat ang mga nakarinig sa kuwento na hindi nito inaayos ang documents nito sa paninirahan sa bansa.

SINGER/ACTRESS, DINADAWIT SA HIWALAYAN NINA ALJUR AT KYLIE

NETIZENS NINEGA ANG PAGTATANGGOL NI ROBIN
SA PAGPATOL SA TUKSO NI ALJUR

Kinumpirma na rin ni Kylie Padilla na hiwalay na nga sila ni Aljur Abrenica na nauna nang inamin ng ama niyang si Robin Padilla sa interview ni Ogie Diaz.

Ayon sa statement ni Kylie sa GMA : “Every family goes through a lot of challenges and sometimes we think that it is only the couple that goes through the ordeal.

“We forget the kids and the people that are involved in the family. In the past few months our family has gone through the process of recovering, healing, and moving on,” umpisa ng kanyang statement.

“All we need right now is respect--first and foremost on the decisions we have made as a family and respect for each and every member of our family--to Aljur who is the father of my two wonderful boys, most especially to Alas and Axl who are at this point very fragile, and also to our families from both sides who have guided us along the way.

“Aljur and I are working on a healthy co-parenting relationship together for our boys’ sake.

“We pray and hope that we will become better persons through this experience and will bring out the best in all of us.”

Sinabi ni Robin na third party ang dahilan.

Si Cindy Miranda pa ang napagbintangan na leading lady ni Aljur sa pelikulang Nerisa na itinanggi naman agad ng baguhang sexy star.

Pero ayon kay Robin naiintindihan niya ‘yun, na walang nakakatanggi sa tukso. “Tanggapin natin ‘yun, wala na tayo du’n. Kasi ako ‘yun ang unang-unang sinabi ko kay Kylie nu’ng nag-usap kami. Sabi ko, ‘lalaki ‘yang asawa mo, pasalamat ka nga, alam mong lalaki.’ Eh wala, hindi raw niya kaya. Okay,” sey ni Binoe sa interview.

Na ikina-react ng maraming netizens.

Na-bother daw sila sa mentality ng actor na binigyan pa nito ng justification ang pagloloko ng lalaki kahit anak niya pa ang nabiktima ng tukso.

Pero hindi raw ‘yun ang catch. Ayon sa bulung-bulungan sa showbiz, iniuugnay ang pangalan ng singer / actress sa hiwalayan nina Aljur at Kylie.

May anak ang nasabing singer / actress na around 50 years old ang edad pero walang karelasyon at nakasama ni Aljur sa isang teleserye.

At sa narinig kong pangalan kung totoo nga, kilalang-kilala ito ni Robin.

Ito naman ay kung totoo ang umiikot na kuwento ha.

Anyway, lalabas din naman ang totoo. Sooner or later, malalaman din natin ang buong kuwento.

 

vuukle comment

PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with