^

PSN Showbiz

Sikat na bokalista ng banda, naging pabigat sa mga dating kamiyembro

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Grabe pala ang mga pinagdaanang karanasan ng mga dating kabanda ng isang pamosong musikero. Grabe, as in grabe, na kapag naiisip nila ‘yun ay parang kilabot ang bumabalot sa kanilang katawan.

Siyempre, ang musikero ang pambenta ng kanilang grupo, kaya siya ang nasa gitna ng aksiyon. Parang siyang lang ang napapansin ng publiko, siya lang ang bida, pangdagdag na lang ang kanyang mga kabanda.

Kuwento ng aming source, “Natural, dahil siya nga ang nagdadala sa banda, e, ginagawa niyang eng-eng ang mga kasamahan niya! Hindi nga naman matutuloy ang recording kung wala ang bida!

“Kung ang schedule ng recording nila, e, alas dos nang hapon, hapunan na kung dumating ang kanilang bokalista! Nakatulog na ang mga kasamahan niya, nanaginip na, pero wala pa rin siya!

“Kasi nga, e, siya ang bida. Nagagawa ng bida ang kahit ano, nasusunod ang mga kapritso niya!” unang istorya ng namamangha naming impormante.

Ganu’n katindi ang attitude ng pamosong bokalista, wala siyang pakialam sa oras ng kanyang mga kabanda, nasa recording studio na ang grupo pero naghihilik pa siya sa kama.

“Meron silang flight papunta sa isang malayong probinsiya. Alam niya ang oras ng flight, alam niya ang lahat ng mga detalye, pero nagpalutang na naman siya ng kaangasan!

“Dumating siya nang super-late na, nakalipad na ang eroplano, sa kasunod na flight na lang sila sasakay. Ni sorry, wala siyang ginawa, parang nagyayabang pa siya sa pagka-late niya!

“Ang katwiran niya kasi, e, siya naman ang hinihintay ng mga kababayan natin sa pupuntahan nilang lugar. Kung wala siya, e, walang show! Siya ang mahalaga, siya ang bida, kaya queber lang siya kung pinaghintay man niya ang grupo.

“At kapag may interview pala ang banda, e, wala siyang pakialam! Ayaw niya! Ang mga kabanda lang niya ang nagpapa-interview! Sikat na sikat kasi siya, e! ‘Yun ang nasa utak niya!” mas naiinis pang kuwento ng aming impormante.

Walang forever. Totoo ang sinasabi sa librong The Sun Shines Down. Nand’yan pa rin naman siya pero hindi na siya kasingsikat nang dati.

“Paano pa siya magbabanda ngayon, e, wala nang may gustong sumama sa kanya? Pa-judge-judge na lang siya ngayon, bihira na rin siyang magkaroon ng show, dahil nag-iisa na lang siya!

“Naku, napakasarap paluin ng bagong kinis na kawayan ang musikerong ‘yun! Sobrang angas! Sobrang yabang! Siya na talaga, siya na nga!” nakaingos na pagtatapos ng nabubuwisit naming impormante.

Ubos!

Bea, walang pake sa mga nanunumbat

Pinagtatawanan na lang siguro ngayon ni Bea Alonzo ang panunumbat sa kanya ng mga dati niyang kasamahan sa ABS-CBN. Ang mga komento ng mga bashers at trolls ay hindi maiiwasan.

Humingal man si Bea sa kapapaliwanag na hindi naman siya basta-basta kumabilang-bakod ay hindi pa rin naman ‘yun pakikinggan ng mga taong ayaw talaga sa kanya.

Sarado na ang isip ng mga ganu’n, parang kabayong may tapa ojo, kaya magsisigaw man siya sa maghapon at magdamag sa pagsagot ay wala ring mangyayari.

Hindi man inaamin ng aktres ay may bigat para sa kanya ang ipino-post na emosyon ng kanyang mga dating kasamahan sa ABS-CBN. Ganu’n naman talaga, saktan na tayo ng ibang hindi natin kilala, huwag lang ng mga taong nakasama natin nang mahabang panahon sa trabaho.

Bakit kaya hindi naman mag-isyu ng paliwanag ang network tungkol sa paglipat ni Bea sa GMA-7, ‘yun ang makapagbibigay ng linaw sa kontrobersiya, dahil kapag sila na ang nagsalita ay wala nang kuwento ng kawalan ng utang na loob at pagiging ingrata ng dalaga.

Sabi ng aming source, “Malinaw ang ginawa ni Bea at ng manager niyang si Shirley Kwan, nakipag-usap sila sa mga executives ng ABS-CBN. Naintindihan ng mga kausap nila ang sitwason.

“Nasaan ngayon ang problema? Meron bang kabastusang ginawa si Bea at ang manager niya? Nasaan ang kaingratahan du’n, e, nagpaalam nga sila?” madiing kuwento ng aming source.

Nu’ng pumirma ng kontrata si Bea sa GMA-7 ay wala rin siyang sinaktan-sinagasaan. Hindi siya nagbitiw ng salitang makasasakit sa damdamin ng mga taga-ABS-CBN.

Hindi niya sinabing kabilang na siya ngayon sa number one network, walang ganu’n, ang sinabi lang niya ay excited na siyang makatrabaho ang mga Kapuso stars.

Ganu’n ang taong nasa ulo ang utak at wala sa talampakan. Kontrolado niya ang kanyang dila, siya ang reyna ng kanyang emosyon, iniiwasan niyang may sugat na dumugo dahil sa kanyang mga salita.

Sa dulo ng kuwento ng paglipat ni Bea Alonzo sa GMA-7 ay siya lang ang responsable sa anumang magaganap sa kanyang karera sa nilundagan niyang istasyon.

Para tayong mga pintor. Tayo ang gumuguhit ng ating kapalaran. Tayo ang may hawak ng paintbrush. Anuman ang mangyari ay huwag tayong magtuturo ng ibang tao kung sakali mang hindi maging maganda ang resulta ng ating pangarap.

vuukle comment

BEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with