^

PSN Showbiz

Dalawang taklesang aktres nganga ang career, ayaw patusin ng ibang network

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa pagdadagsaan ng mga personalidad na naglilipatan na sa isang network ay ipinapalagay ng mas nakararami na lalong sumikip ang pintuan ng istasyon para sa isang female personality na hindi na ni-renew ang kontrata.

Umaasa pa rin pala ang female personality na magbabago ang takbo ng kanyang karera sa itinuturing niyang mother studio, kukunin pa siya uli, kaya buhay na naman ang kanyang karera.

Pero kuwento ng isang source, “Wala na siyang pag-asang makabalik pa, sa labas na lang siya magtrabaho, dahil hindi na siya kokontratahin pa uli ng pinanggalingan niyang network.

“Kasi naman, pinahamak siya ng kadaldalan niya, nu’ng nandu’n pa siya sa station, e, panay ang sabi niya na masarap lumipat sa kabilang istasyon dahil marunong silang mag-alaga ng mga contract stars nila.

“May kinakausap siyang mga friends niya sa network na ‘yun, bekenemen daw, wala siyang kalam-alam na nakararating pala ‘yun sa mga executives ng istasyon niya,” unang hirit ng aming impormante.

Ilang beses na niyang ginagawa ang ganu’n, pero hindi lang kumikibo ang mga nagmamahal sa istasyon, hanggang sa dumating na nga ang takdang panahon.

Patuloy ng aming source, “Heto na, nu’ng matapos na ang contract niya, e, para siyang pusang hindi maihi! Inaatake siya ng nerbiyos, kasi nga, ang pinapangarap niyang lilipatang istasyon, e, nagkaroon nang matinding problema.

“Wala na sa utak niya ang bekenemen, umaasa na lang siyang mare-renew pa ang contract niya, kasi nga, wala na siyang pupuntahan! Nawawalan na ng pag-asa ang mga artista ng kabilang istasyon, nganga sila sa trabaho, kaya paano na siya!

“Waley, hindi na siya binigyan ng bagong kontrata, ‘yung ibang kasabayan niya, e, nagkaroon pa ng renewal, pero siya, nganga!

“Natural, napakasakit nu’n para sa kanya, du’n siya nag-umpisa, pero hindi na pala siya kailangan! Paano na ang career niya, saan na siya pupunta?

“Kundi ba naman siya hitad, ang ganda-ganda ng pag-aalagang ibinibigay sa kanya ng network nila, pero hindi niya naman pinahahalagahan. Gusto pa niyang lumipat sa kabilang istasyon?

“Ayan tuloy, anyare sa kanya? Pareho na sila ng isang female personality na kapangalan niya, gumigiwang ang career, walang network na kumukuha sa kanila!

“Mga taklesa kasi! Hindi nag-iisip! Magsama silang dalawa ngayon sa kataklesan nila!” madiing pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Julia at Coco feeling Hollywood stars

Parang mga Hollywood stars na nagtatago sa mga paparazzi sina Coco Martin at Julia Montes nu’ng mag-shopping sila sa Greenhills. Takip na takip ang kanilang mukha para hindi sila makilala.

Pero hindi sila puwedeng itago sa kahon, lalo na si Coco, na kahit pa mamakyaw ng facemask para isuot ay makikilala pa rin ng mga kababayan natin.

Ano pa ba ang maaasahan nating reaksiyon ng publiko tungkol sa kanilang ginawa? Di pinaliguan na naman sila nang sangdamakmak na pang-iinsulto ng kanilang bashers?

Paano pa ang trolls na hindi makapapayag na hindi makakasawsaw sa kuwento? Busog na busog sa mga negatibong pasaring sina Coco at Julia.

Matitindi ang mga akusasyon, sabi ng isang basher ng magkarelasyon, “Coco, sabihin mo muna nang diretso ang facemask! Kapag hindi mo ginawa ‘yun, ipasasabi namin sa iyo ang SSS!”

Sabi naman ng isa pang basher, “May patakip-takip pa kayo ng face, ano kayo, mga Hollywood stars na takot na takot i-mob ng mga fans? Magtigil nga kayo!”

“Walang paparazzi na hahabol sa inyo, kaya tantanan n’yo na ang pagtatakip ng identity n’yo! Bakit, may inamin na ba kayong dalawa tungkol sa relasyon n’yo?

“Nagagalit pa nga kayo kapag nasusulat na may anak na kayo, di ba? Ano pa ang dahilan ng pagpe-facemask n’yo? Puwede ba, magtigil kayong dalawa!” sarkastikong komento naman ng isa pa.

Nu’ng una ay nang magbakasyon sila sa Boracay, ganu’n din ang kanilang mga drama, nakatakip din ang kanilang mga mukha pero terno naman ang mga suot nila.

Ikalawa na lang itong sa Greenhills, namimili raw sila ng mga kagamitang pang-camping, pero hindi naman sila pinagkaguluhan.

Tinitingnan lang sila ng mga nandu’n, nagtatanungan ang mga miron kung sina Coco at Julia nga ang magkasama, pero hindi naman sila pinaikutan ng mga faney na makikipag-selfie sa kanila.

Ibigay na natin ‘yun kina Coco at Julia, buhay nila ‘yun, gusto raw kasi nilang gawing pribado ang kanilang pagmamahalan.

Usapan na nila ‘yun, na kapag may nang-uurirat sa kanilang relasyon ay nangingiti lang sila, pero wala silang ibibigay na kahit anong impormasyon na ilang taon nang sila.

Pero nakahulugan ang komento ng kaibigan naming propesor, sabi nito, “May hangganan naman ang lahat, walang forever. Magiging masakit para sa kanila ang pagdating ng araw na nakalantad na ang mga mukha nila, pero wala nang pumapansin, dahil wala nang ningning ang mga bituin nila.”

vuukle comment

COCO

JULIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with