^

PSN Showbiz

Coco at Julia namili ng mga kagamitan sa camping!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Coco at Julia namili ng mga kagamitan sa camping!
Coco at Julia
STAR/ File

Aktres nire-request palitan si Bea

Spotted muli sina Coco Martin at Julia Montes sa isang establishment sa may Greenhills. Obvious na ayaw magpakilala ang dalawa, lalo na si Julia dahil sa face shield na suot, natakpan ang buong mukha nito.

Hindi rin naman halos makikilala si Coco kung hindi lalapitan dahil malaki ang face mask nito, halos matakpan na rin ang buong mukha pero uploaded naman sa FB ng nasabing tindahan. Tapos, may suot pang cap na kapag maraming tao, puwedeng ibaba at hindi na siya makikilala.

Kaya lang, sa sobrang sikat ni Coco, may nakakilala pa rin sa kanya at kay Julia. Alangan namang ibang babae ang kasama niya? Wish ng fans ng dalawa, kapag hindi na mandatory ang pagsusuot ng face mask at face shield, sana makita nila sina Coco at Julia na magkasama na walang takip ang mga mukha.

Speaking of Julia, siya ang nire-request ng Kapamilya fans na ipalit kay Bea Alonzo sa teleseryeng Kahit Minsan Lang na nakansela at hindi na magagawa ni Bea dahil lumipat  na siya sa GMA Network.

Sayang daw ang pro­ject, kaya palitan na lang si Bea at si Julia lang ang para sa kanila, babagay sa role na iniwan ni Bea.

Jasmine, napagkamalang nanay ni Dahlia

Kabilang sa susubaybay sa The World Between Us na this Monday na, 8 p.m., ang world premiere ay si Anne Curtis, ang kapatid ni Jasmine Curtis-Smith. Mula pa nang ipalabas ang first and short teaser ng teleserye, excited na si Anne at nangakong panonoorin ito.

Nang i-post nga ni Jasmine ang latest trailer, isa na naman si Anne sa unang­ nag-comment at hindi lang si Jasmine ang kinongratulate, pati si Alden, ang buong cast at si director Dominic Zapata.

Nag-congratulate rin kay Jasmine at sa buong team ng TWBU si Iza Calzado at iba pang taga-showbiz na kaibigan ni Jasmine. In fairness kay Iza, hindi lang si Jasmine sa Kapuso stars ang kino-congratulate nito.

May mga nababasa rin kaming comments na nakikiusap kay Jasmine na sana, sila na lang ni Alden. Kinikilig ang fans sa tambalan ng dalawa at aaba­ngan nila ang kissing scene na finally, natuloy. Sa dalawa nilang naunang pro­jects, walang kissing scene at namatay pa ang karakter ni Jasmine.

Samantala, maloloka na naman nito si Jasmine dahil may netizen na inakalang siya ang mom ni Dahlia na anak ni Anne at ni Erwan Heussaff. Sabi ba naman ng hitad na netizen, kamukha raw ni Jasmine ang anak nitong si Dahlia na kinorek ng isa ring netizen. Deadma si netizen na nag-akalang nanay ni Dahlia si Jasmine, hindi man lang nag-sorry sa kanyang pagkakamali.

Nora hingalin, kaya naka-wheelchair

Lumipat na pala sa bahay si Nora Aunor, iniwan na nito ang condo unit niya sa may Eastwood. May kalakihan daw ang bahay ni Guy at kung babalikan ang mga tinirahan niyang bahay, malalaki nga.

Dahil sa malaki ang bahay at hinihingal si Guy, kapag iniikot ang bahay dahil sa asthma, sumakay siya sa wheelchair. Lumabas ang larawan ni Guy na nasa wheelchair siya, ayun, ibinalita ng isang vlogger na kritikal ang Superstar at naka-wheelchair na lang.

Mabuti na lang at nilinaw ng publicist ni Guy na fake news ang lumabas na balitang kritikal ang Superstar. Sabi ni Nora: “Sa mga nag-alala sa akin, lalo na ang mga sumusuporta sa akin ay gusto ko lang ipaalala na okay po ako.

“Wala po akong malubhang sakit, gaya po ng napapabalita.

“Gusto ko ring ipaabot ang aking pasasalamat sa pagmamahal at concerns na ipinapakita ninyo sa akin. Lagi po ninyong tatandaan, mahal na mahal ko po kayo.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with