^

PSN Showbiz

Aktor na nagbabaga ang relasyon sa aktres, hinuhulaang mabilis na magkaka-baby!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kahit hindi manghuhulang nagbabasa ng cards ang magsabi ay posibleng magkaroon ng produkto sa maagang panahon ang pagmamahalan ng isang kilalang showbiz couple.

Kasing-init ng naglalagablab na apoy kung ilarawan ng marami ang kanilang relasyon. Pareho silang mainit, sobra ang kanilang pagmamahalan, kaya maraming humuhula na maagang makalulunok ng pakwan ang kilalang female personality.

Kuwento ng aming source, “Malaking factor din kasi ‘yung kaluwagan ng family ng girl sa relasyon nila ng male personality. Nagagawa niya ang kahit anong gusto niya.

“Kasi nga, hindi na naman siya menor de edad, nasa marrying stage na siya, saka very open naman siya sa pagsasabi na kaya niyang talikuran ang career niya para harapin na niya ang pagpapamilya,” unang reaksiyon ng aming impormante.

Ang male personality ay kilala sa pagiging mainit. Marami na itong nakarelasyon. At may mga sideline pa ang hunk actor.

Patuloy ng aming source, “Di nga ba, nu’ng magkarelasyon pa sila ng isang female ­personality, e, nakarating du’n sa girl na madalas palang magpunta sa bahay niya ang isang female personality na tunog-doll ang name?

“Pero may-I-deny ang male personality, hindi raw totoo ‘yun, makapagsisinungaling ba naman siya, e, nakikita ng mga neighbors niya ang pagpunta-punta du’n ng girl na girlfriend na ngayon ng isang guwapong male personality?

“At ‘yung ex niya at ang karelasyon niya ngayon, e, nag-overlap, pinagsabay niya, samantalang napakalaki ng tiwalang ibinigay sa kanya ng girl?

“Walang kaalam-alam ang girl na habang iniaayos niya ang nabiling condo unit nu’ng lalaki, e, ‘yung girlfriend niya pala ngayon ang dinadala niya du’n?

“Huwag naman sanang mangyari ‘yun sa girlfriend niya ngayon na ibinigay na sa kanya ang lahat-lahat. Ipinaglaban siya nu’ng babae, tiniis niya ang lahat ng mga salitang nega na ibinato sa kanya, huwag naman sana niyang lokohin ang girl na umaasang magiging sila na talaga for life!

“Magbago na sana siya, matuto na sana siyang magmahal ng isang babae lang at iwasan na niya ang mga extra-curricular activities na siguradong magpapahamak sa kanya!

“Iwasan na niya ang sobrang init ng libido niya, magkasya na lang siya sa isa, palipasin na lang niya ang init sa magdamag!” umiiling na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Bea, may tatapusin muna sa Star Cinema!

Maraming masaya sa paglipat ni Bea Alonzo sa GMA-7. Kitang-kitang binigyan siya ng importansiya ng network dahil kahit wala pa siyang nakalatag na trabaho ay hinawakan na siya agad para maging Kapuso na.

Marespeto siyang nagpaalam sa mga ­ehekutibo ng ABS-CBN na totoo namang milagro ang nagawa sa kanyang career, pinayagan naman siya, saka pa lang siya nagdesisyong kumabilang-bakod.

Pero paano kaya haharapin ni Bea ang mga komentong nagmumula mismo sa mga dati niyang katrabaho sa ABS-CBN? Nag-aalsahan na ngayon ang mga kuwento tungkol sa hindi niya tinapos na trabaho sa Star Cinema.

Ang ibinibigay raw niyang katwiran ay ayaw niyang lumabas dahil sa pandemya. Pero nagulat ang mga taga-Star Cinema at ABS-CBN dahil niluluto na pala ang paglipat niya sa GMA-7.

Pero kontrang pahayag naman ng isang source na nakausap namin, “Hindi kasi nila alam ang mga pangyayari. Nagpaalam si Bea kay Mr. Carlo Katigbak, maayos ang pag-uusap nila. Nakipag-usap din ang manager niya sa isa pang executive, pinayagan din si Bea!

“Wala pa raw naman silang trabahong maibibigay kay Bea, kaya okey lang na magtrabaho siya sa labas. Kailangang alam nila ang nangyari para hindi ganyan na naglalabas pa sila ng blind item na alam na alam mo naman kung sino ang pinatatamaan!

“Puro interest lang nila ang iniisip nila, paano naman ang mga taong kailangan ding magtrabaho at mabuhay? Kaya nga sa October pa puwedeng mag-work si Bea sa GMA-7, e, dahil uunahin muna niya ang unfinished project niya sa Star Cinema at ‘yung pelikula nila ni Alden Richards!” paliwanag ng aming source.

Hindi ganu’n kasimpleng ilapat ang salitang ingrata sa mga personalidad na lumilipat sa GMA-7. Bago sila nagdesisyon ay bumusina muna sila sa ABS-CBN bilang respeto at pagtanaw ng utang na loob.

Greener pasture ang tingin ngayon ng marami sa GMA-7. May pera ang network, kaya nilang mamuhunan, samantalang mula nang tanggalan ng prangkisa ang ABS-CBN ay nawindang talaga ang kanilang kaban.

May naengkuwentro kaming litanya tungkol sa paghahanap natin ng greener pasture. Ang sabi, “Too many people think that grass is greener on the other side of the fence. But the truth is, grass is greener everywhere when we water it.”

Oo nga naman.

vuukle comment

BEA

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with