Bea tuloy na sa GMA?!
Confused ang iba sa panghuhula kung sino ang sinasabing award-winning Kapamilya actress na magiging Kapuso na very soon.
Si Bea Alonzo raw kasi ang nasabing actress pero nagkaroon ng confusion ang ilang nakabasa dahil hindi naman daw super award winning actress si Bea though sa Wikipedia marami naman siyang natanggap na award pero hindi raw remarkable na super best actress.
Hahaha.
Meron pang nagsabi na baka naman si Judy Ann Santos or si Maricel Soriano.
Pero ayon naman sa isang source, parang malabo sina Judy and Marya.
Si Bea talaga raw talaga ‘yun.
Anyway, wait na lang natin kung sino ba talaga ‘yun dahil walang gustong mag-confirm.
Very soon na raw talaga ito, as in, kaya wait natin ang formal annoucement ng GMA.
Kung si Bea nga ito, meaning nagkasundo na sila sa issue ng talent fee kung saan diumano’y na-shock ang top gun ng GMA 7 na ganun kalaki ang TF nito sa ABS-CBN noong before pandemic.
- Latest