^

PSN Showbiz

Sarah, pinag-iisipang preggy dahil sa short hair!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Sarah, pinag-iisipang preggy dahil sa short hair!
Sarah

Short hair don’t care ang bagong peg ni Sarah Geronimo na mabilis na nag-viral. Brunette pixie cut na ikinagulat ng kanyang fans.

May ibang napaisip na baka naman wig lang ‘yun nung una nilang nakita, pero short hair na raw talaga ang misis ni Matteo Guidicelli.

Pero may iba naman napaisip na baka preggy na si Sarah dahil bukod sa short hair, nakita rin sa anniversary concert ng ini-endorse nilang superstore ng mister na maluwag ang suot ni Sarah.

Beke naman daw may quarantine baby na sila sabi naman ng ilang nag-react na netizens.

Hindi masyadong active si Sarah lately kahit sa social media.

Last appearance niya ay sa kanyang digital concert - Tala : The Film Concert. Sa mga commercial lang siya visible lately. Mas active sa kasalukuyan ang career ni Matteo. Kahit sa ASAP ay hindi na rin napapanood si Sarah since umere rin ito sa TV5.

Binagayan ng nasabing short hair ang shape ng mukha ni Sarah.ni Matteo.

Kahit sa ASAP ay hindi na rin napapanood si Sarah since umere rin ito sa TV5.

Binagayan ng nasabing short hair ang shape ng mukha ni Sarah.

Award-winning aktres, magiging Kapuso na rin very soon?

Bali-balitang isa na namang sikat na aktres ang mago-ober da bakod sa Kapuso Network very soon! Sabi nga when it rains, it pours ng mga artistang lumilipat sa GMA ha at sunud-sunod ang pagpirma nila ng kontrata.

Exciting ito para sa mga Kapuso fans dahil award-winning ang aktres na ito ayon sa chika at for sure, nakalinya na ang mga bigating proyekto para sa kanya kaya tiyak na magiging asset ito ng network dahil ayon sa source, love na love ang actress ng Filipino audience mula pa noon!

May hula na ba kayo kung sino ito?

 

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with