^

PSN Showbiz

Show ni Vice, pinahaba na!

Pilipino Star Ngayon
Show ni Vice, pinahaba na!
Vice

MANILA, Philippines — Hindi mapigilan ang hiyawan nina Vice Ganda at ng songbayanan na massage therapists matapos nilang makuha ang P500,000 na jackpot prize kagabi (Hunyo 26) sa Everybody, Sing! na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWantTFC.  

Sa loob ng 86 segundong naipon mula sa naunang rounds, nakuha ng mga masahista ang lahat ng awiting pinahula ni Vice para maging ikalawang jackpot winner mula nang nagsimula ang programa. 

“Dito talaga, pagtulong tulong, pag-iisa lang ang minimithi, walang nag-aaway, at iisa lamang ang objective, everybody wins,” ani Vice na nagdamit bilang Cleopatra sa community singing game show.   

Sa kanilang kwentuhan kasama ang Unkabogable star, ibinahagi ng songbayanan kung paanong nabawasan ang kanilang kita ngayong pandemya dahil sa mga umiiral na quarantine restrictions. Gayunpaman, nananatili silang masayahin. Kwento ng isa sa kanila, namasahe na niya ang aktor na si Carlo Aquino. Hirit naman ng isa, pangarap niyang maging kostumer si Coco Martin dahil kamukha raw ito ng mga naging kliyente niya sa Lebanon.  

Noong Linggo naman (Hunyo 26), isang grupo ng security guards ang nakasama sa kantahan at kwentuhan ni Vice Ganda, na nag-ala music icon na si Cher. Bigo man silang maiuwi ang jackpot prize, nag-uwi pa rin sila ng P20,000 bukod sa indibidwal na cash prize na nakuha sa mga naunang rounds.  

Samantala, mas maaga nang mapapanood ang Everybody, Sing! simula ngayong weekend sa bago nitong timeslot na 7 p.m. hanggang 8:30 p.m. sa parehong Sabado at Linggo.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with