^

PSN Showbiz

Maine, glowing sa music video

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Maine, glowing sa music video
Maine
STAR/ File

Glowing at super-fresh si Maine Mendoza sa shoot ng music video ng kanta niyang Lost With You under Universal Records.

Ipinagkangtiwala kay Tristan Cheng ang pagdidirek ng music video. Si Tristan ay isa sa executives at artist manager sa Triple A (All Access to Arists) na kinabibilangan nina Maine at Marian Rivera.

“Ang lead girl na babae ang pangalan ay Sofia Jahrling ay actual fan ni Maine since 2015,” bahagi ng message sa amin ni direk Tristan.

Dagdag niya, “Cute ng back story, kasi si Sofia Jahrling ay nalaman kong Maine supporter siya since 2015. Kaya naman nung nagshoot kami alam kong sincere siya at feel talaga niya ‘yung lyrics per word. Si Vince is a natural actor, kudos to them.

“Pero si Maine talagang iba ‘yung glow. Siguro marami rin talagang nakapansin sa fresheness niya. Sinabi ko sa kanya na, ‘Maine let’s make your MV, light, bright and full of love.

“Nakakatuwa rin na pinagkatiwalaan niya ako rito. Also siguro close din kami kaya ang gaan lang nung shoot namin given na inulan pa kami nung buong araw. Haha.”

Si Vince na tinutukoy ni direk Tristan ay si Vince Crisostomo na actor mula sa GMA Artist Center, ang lead guy sa music video.

Full coverage....

FULL coverage ang hatid ng anchor at news reporters sa libing ng abo ng dating President Noynoy Aquino sa Manila Memorial Park ng mga network kahapon.

Parang bawat kanto kasi ay nakasubaybaybay sa convoy sa van na may dala ng abo ng dating Pangulo.

Nakakalungkot ang coverage kahapon at ‘yung supporters ni P-Noy ay nagkasya na lang sa pagtanaw sa van na may dala ng abo at kumakaway ng pagpapaalam.

Rest in peace, President Noynoy Aquino.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with