^

PSN Showbiz

‘Dapat laging handa’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi mo maiwasan maging heavy ang feeling mo ‘pag merong mga tao na nababalitaan mo na nawala nang hindi inaasahan. Tulad na nakakagulat na pagkamatay ni dating President Benigno Aquino III. ‘Yung nagulat ka rin na biglang namatay si Ricky Lo. Si Shalala. ‘Yung may mabalitaan ka na tinamaan ng COVID-19 tapos nawala. So sad it makes you feel heavy inside.

Kasi nga parang realization of how fragile this life is, kung gaano kaikli ang buhay, of how time is so short na hindi natin dapat aksayahin.

Para bang lahat ng nangyayari ay biglaan kaya nagtataka ka kung paanong ganun lang pala talaga kadali ‘pag tinawag ka ni God.

Totoo nga na dapat ready ka lagi, maayos lahat, dahil hindi mo alam kung kelan ang departure time mo. Kung anong araw o oras ka aalis.

Dapat lagi na nakahanda, spiritually dapat nalinis mo ang mga kasalanan mo, dapat pagharap mo kay God napagsisihan mo na ang nagawa mong kasalanan dito sa mundo.

Dapat din na maayos ang mga naiwan mo, na sana wala kang naiwang problema sa kanila. Lahat maging maayos ang moving on. Dapat people will remember you with fondness, with a smile. Dahil iyon lang ang maganda mong maiiwan dito sa mundo. Magandang ‘pag naalala ka, they remember your goodness, hindi ang bad side mo.

Life is so fleeting kaya parang nakakatakot na bigla ay mawawala ka nang hindi nakahanda.

Kaya we pray that God will give us a chance to repent, be good, especially on the last days of our life. Dahil sa biglaan na pagkawala ngayon ng mga tao na close sa atin, let us ponder on how we can change for the better. Let go of things na mabigat, let go of people na negative ang effect sa iyo, let us be always happy and light, baka ito pa ang maging dahilan for a longer life.

Jennylyn, uunahin muna si Paolo bago si Xian

Maganda naman ang timing ng paglipat ni Xian Lim sa GMA 7 dahil isa agad serye kasama si Jennylyn Mercado.

Mabuti naman at bago ang serye, pero uunahin muna ni Jennylyn ang Daig Kayo ng Lola Ko series with Paolo Contis. Pagkatapos ay ‘yung lock in na nila ni Xian ang gagawing project.

Bongga naman ng mga ginagawa nila for Jennylyn dahil iba-iba ang kasama niyang leading man. At para na rin hindi masyado ma-miss ng followers niya kaya dapat lang bigyan ng bagong project. Isa pa naman sa mga mahusay na leading actress si Jennylyn kaya dapat lang hindi nawawala sa paningin ng viewers.

Welcome treat itong pagsasama nila ni Xian Lim.

vuukle comment

XIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with