^

PSN Showbiz

Bagong serye ni Alden, mga bigatin ang kasama

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Bagong serye ni Alden, mga bigatin ang kasama
Alden
STAR/ File

Kahapon ginanap ang presscon ng serye ni Alden Richards na The World Between Us. Grabe ang lakas ng star value ng serye na ito, andiyan sina Jasmine Curtis, Tom Rodriguez, Dina Bonnevie, Jaclyn Jose at Glydel Mercado, at siyempre ang pinaka-top star ng serye na si Alden.

Mukhang napaka-exciting ng serye na ito na talagang focus si Alden na binigay buong panahon niya kahit pa nga napakarami ng side jobs na ginagawa.

Hindi inabot ng epekto ng pandemic si Alden. Tuluy-tuloy ang trabaho walang puknat, talagang hinihintay siya.

Kasi nga bukod sa napaka-professional, masarap siyang kasama sa trabaho at walang dudang mahusay na artista. Lahat yata ng magandang bagay nakuha ni Alden dahil sa pagiging mabuti niyang tao, kaya naman ang lapit sa kanya ng suwerte.

Sure ako na marami nang nasasabik sa serye na ito na binigyan ng ibang twist ng GMA 7. Bongga talaga ang Kapuso, tuluy-tuloy din ang pagbibigay-trabaho sa lahat.

Direk Lauren, kayang gawing big stars ang mga baguhan

 Siguro very busy si direk Lauren Dyogi sa stars na pumirma ng contract under the wings of Star Magic. Lahat ng 40 stars na pumirma mukhang may mararating dahil iba rin naman ang build-up ni direk Dyogi, ang training, at kung paano nila i-present ang stars nila.

Kahanga-hanga ang disiplina nila sa mga artista na nasa pag-aalaga nila, saka ‘yung from a rough stone na nag-shine into precious jewels na nagawa nila kina Kim Chiu, Maymay Entrata, at iba pang stars ng Star Magic, hahanga ka sa handling nila. Malaki ang pagbabago ng mga baguhang artista na ito sa mga kamay ni Direk Dyogi kaya sure ako, kahit baguhan ang marami sa kanila, ilang taon pa lang magiging big star na sila. Ganun kahusay si direk Lauren Dyogi, sure ako sa magic touch niya.

vuukle comment

ALDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with