^

PSN Showbiz

Rep. Lucy, gumagawa ng unan pangontra sa anxiety

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Rep. Lucy, gumagawa ng unan pangontra sa anxiety
Rep. Lucy
STAR/ File

Ang paggawa pala ng unan ang panlaban ni Cong. Lucy Torres sa anxiety. Ito ang isa sa tsinika niya kahapon sa Zoom interview sa Take It... Per Minute, Me Ganun (TIPMMG) with Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu. “Gumagawa ako ng mga unan, Fu. Oo nay (Lolit and Cristy) kasi minsan ‘pag ano, ‘yung nagwo-worry ako sa COVID situation, ‘pag naririnig ko na dumarami ‘yung cases or may kaibigan ako na nagkakasakit or nako-covid, ‘yun ang ginagawa ko to divert my anxiety ba or my worries, kailangan may ginagawa ako. So either nagsusulat ako or nagtatahi. Anything lang para lang hindi kakaba-kaba.”

At nang tanungin siya ni Nay Cristy kung ‘aalis ka na ba sa Ormoc at magiging pang-buong Pilipinas ka na sa darating na election?’  na ibig sabihin ay kung magse-senador na ba siya? “‘Di ko pa talaga alam, Nay, kung sa pag-aalok lang o sa pag-iimbita, 2016 pa lang may mga nag-aalok na tumakbo ako for the Senate pero hindi naman ho kasi ‘yun talaga ‘yun pinaplano o pangarap. ‘Yung sa akin lang with everything in life gusto ko lang ‘yung ano lang ‘yung ukol, ano lang ‘yung para sa akin, ‘wag pipilitin kasi sabi nga ng lola ko, may kasabihan ‘yung lola ko before na ‘wag pilitin baka dumugo.’ So ‘yun ‘yung naging principle ko in life. Kung ano lang ‘yung ukol.”

Dagdag pa niya : “Ang iniisip ko lang palagi is if it’s meant to be, it will happen—gustuhin ko man o hindi ‘di ba. Everything for me is destiny. I just want to fulfill God’s plan for me and my purpose in life. Whatever that is - life in politics or out of it, okay lang ako,” sabi pa ni Cong. Lucy na work from home pa rin sa Ormoc.

Malakas na malakas ang clamor na mag-senador na si Cong. Lucy na kabilang sa maganda ang mga ginagawa bilang representative ng Ormoc.

vuukle comment

LUCY TORRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with