^

PSN Showbiz

Mga sinehan susubukang buksan sa Agosto!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Hindi maitatangging nakakahikayat ang mga sikat na artista sa taumbayan na magpabakuna na rin.

Kaya talagang kinakarir din ang isinasagawang vaccination program ng Mowelfund, kasama ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila Film Festival (MMFF)  na mabakunahan na ang taga-movie industry.

Ang target kasi nila mabakunahan na ang lahat bago dumating ang MMFF sa December dahil pinu-push nilang magbukas na ang mga sinehan para matuloy ang MMFF ngayong taon.

Ang dinig ko nga, na-discourage na sila sa digital dahil nalugi ang mga producer na sumali sa naturang filmfest noong nakaraang taon.

Kaya pinapakiramdaman na kung puwede nang magbukas ang mga sinehan sa mga susunod na buwan. “Ang sinasabi nila sa amin, by August daw ay i-try unti-unti ‘yung 30 percent to 50 percent kung okay na. Pero depende pa rin ‘yan sa rami ng na-vaccine at kung gaano kabangis ‘yung Delta variant na umaatake,” pakli ni MMFF spokesperson Noel Ferrer.

Ito na nga ang pinag-uusapan ngayon, ang kinatatakutang pagpasok ng Delta variant ng COVID-19 na umatake sa India. Iniiwasang mangyari ito sa ating bansa, kaya nga nagdeklara uli si Pres. Rodrigo Duterte na kailangan pa ring magsuot ng face shield, bukod sa isinusuot na face mask.

Kahapon ay nag-request na si Boots Anson Roa-Rodrigo na kung puwedeng i-prioritize na ang mga taga-Mowelfund lalo na ang mga senior citizen na matagal na ring walang trabaho. Hindi lang ako sure kung Pfizer ang itinurok sa kanila, pero okay lang daw kahit anong brand, ang mahalaga ay mabakunahan.

Ilan sa mga artistang nabakunahan kahapon ay sina Benjie Paras, Jeric Raval at ang anak niyang si AJ Raval.

Bukod sa taga-Mowelfund, binibigyan din ng tig-sampung slots ang producers lalo na ang madalas na sumasali sa MMFF.

Super Tekla kinakapos na naman, nagla-live para manghingi ng ayuda

Nagwu-worry na naman ang close friends ng komedyanteng si Super Tekla, dahil tila kinakapos na naman daw ito.

May naririnig na ako noon na kuwentong nanghihiram na naman daw ito lately sa ilang kaibigang artista.

Napapansin ding minsan ay nagla-live siya sa kanyang FB account at nanghihingi sa viewers niya at idiretso na lang daw sa G-Cash niya.

Kahapon ay may post siya sa kanyang Facebook account; “Oo aaminin ko gipit at hirap ako ngayon,!! Pero sinisiguro ko bukas makalawa gipit pa rin (3 laughing emoji).”

May isa pa siyang post na; “Isang bagay ang aking natutunan wag na wag kang nawawalan ng ipon!! At pera kung ayaw mong maging kaawa-awa at magmukhang timawa. (peace and laughing emoji) and I thank you. Happy Tuesday everyone.”

Kahapon pala ay birthday ng bunsong anak ni Super Tekla at eksaktong one year na ito.

Hindi kaya nag-i-emote siya at walang pam-birthday sa anak? Hindi naman namin naku-contact si Super Tekla, para tanungin kung totoo ang naririnig naming nagkabalikan daw sila ng dati niyang girlfriend.

Kapansin-pansin ding ang laki ng ipinayat niya.

vuukle comment

MMFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with