^

PSN Showbiz

Dennis, ‘di maka-move on!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ewan ko pero unsolicited advice ko kay Dennis Padilla na sana after ng mga interview niya na inilabas niya ang mga hinaing niya, stop na muna.

Family sila ng mga anak niya, at kahit ano pang sabihin, ‘yung mga lumalabas na balita, malaki ang epekto sa mga ito lalo na kay Julia Barretto na nasa showbiz na rin.

Kung iisipin mo, ang tindi ng baptism of fire na dinaanan ni Julia, ‘yung issue ng love triangle nila ni Gerald Anderson at Bea Alonzo, plus itong issue sa father niya na si Dennis Bongga nga si Julia na kinakaya ang lahat, at parang me against the world ang dating.

Siguro nangyari ito dahil nga hiwalay na sila ni Marjorie Barretto, kaya open field ang nangyari na paglalabas ni Dennis ng sama ng loob.

In all fairness kay Marjorie, wala siyang sinasabi, hindi nagsasalita. Kawawa rin ang mga naipit na mga anak, nakatuon sa kanila ang mga mata ng publiko lalo na nga kay Julia.

Pero sa ending, pamilya pa rin sila, dapat isipin din ni Dennis na ‘pag nasira ang mga anak niya, apektado rin siya.

Dapat siguro mas maluwang ang pang-unawa ni Dennis dahil siya ang ama, dapat kung may pagkakamali, mas madali siyang mag-forgive, umunawa.

Darating din ang araw they will all be at peace, at pagdating ng araw na iyon, sana walang sisihang mangyari dahil sa mga nagaganap ngayon.

Don’t do things you will regret later, lalo na sa member ng family mo. Dapat after mailabas mo na, isang buhos lang, then stop na.

Remember, anak mo iyan, kung ano ang mangyari sa kanya, it will always affect you. Father’s day, be a father, a real father na unconditional ang love sa anak.

Mga artista, nagpasalamat sa bakunahan ng MMDA

Gusto ko ‘yung ginagawa ng Metro Manila Development Authority o MMDA na vaccine drive para sa mga artista. Talagang tinutulungan nila hindi lang ang stars kundi lahat ng taga-showbiz na mabakunahan kaya may mga araw sila for vaccination sa mismong office ng MMDA.

Maayos ang process at salamat sa tulong ni Noel Ferrer na nagko-coordinate sa stars para sa isang lugar sila magpabakuna.

Siyempre nga iba-iba ang sked ng mga ito lalo na ‘yung naka-lock in, kaya kung minsan adjusted para mas marami ang mabakunahan. Marami kasing stars na hindi alam kung papaano at saan magpapabakuna, actually marami sa kanila ang gustung-gusto kaya mala­king tulong ang MMDA.

vuukle comment

DENNIS PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with