^

PSN Showbiz

KC, may pa-Father’s Day celeb sa dalawang tatay

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
KC, may pa-Father�s Day celeb sa dalawang tatay
KC

MANILA, Philippines — Ang stepdad na si Sen. Kiko Pangilinan ang in-interview ni KC Concepcion sa kanyang vlog at tungkol sa pamumuhay independently ang usapan nila. Hiningi kasi ni KC ang advice ni Sen. Kiko sa mga gaya niyang mas pinili ang mamuhay malayo sa kanyang pamilya.

Sa mga pahayag ni Sen. Kiko, very proud siya kay KC at ang ganda ng sinabi nitong, “you will always be my eldest.” Una raw siyang naging daddy kay KC dahil nine years old pa lang ito nang kanyang makilala.

Binanggit din ni Kiko ang mga ginagawa ni KC na kahit may jewelry business, patuloy na nag-aaral, may mga advocacy, may YouTube channel, may fundraising bazaar at marami pang ginagawa.

Kung si Sen. Kiko na-interview ni KC for Father’s Day, ang amang si Gabby Concepcion naman ang ka-date ni KC noong Father’s Day. Sabi ni Gabby, may dinner sila at kasama pa nito ang anak na si Samantha na very close kay KC.

Nag-post din si KC ng old video nila ni Gabby na may caption na “PAPA” at “My first love. My first heartbreak. And yet, one of my best friends!!! I love you... Happy Father’s Day.”

Anak nina Billy at Coleen, endorser na rin

Endorser na ang baby boy nina Billy Crawford at Coleen Garcia na si Amari at si Coleen mismo ang nagbalita nito sa kanyang Instagram. Nag-post ng maraming larawan ng kanyang baby si Coleen suot ang brand ng damit na pambata.

Maraming nag-like sa photos ni Amari at ang dami nang nag-comment. Celebrity na rin si Baby Amari!

John Lloyd at Elias, sa yate nag-bonding

Kahit sa video at sa mga larawan lang namin napanood at nakita na magkasama ang mag-amang John Lloyd Cruz at Elias, ramdam ang tuwa ni John Lloyd sa kanyang mga ngiti. Lalo na roon sa magkaharap ang mag-ama at may hawak na coupon bond si Elias na may nakasulat na “Happy Father’s Day Papa,” at kahit hindi si Elias ang sumulat noon, ang ganda pa rin ng ngiti ni John Lloyd.

Sa napanood namin at nakita sa mga larawan, parang nasa yate sina John Lloyd at Elias at ang kanilang mga kasama.

May nakita pa kaming litrato na tuwang-tuwa si John Lloyd habang pinagmamasdan si Elias na suot ang sumbrero ng may hawak sa nagpapatakbo sa yate. 

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with