^

PSN Showbiz

MMFF, hindi pa rin alam ang kapalaran

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Natural na tahimik pa sila hanggang ngayon tungkol sa Metro Manila Film Festival o MMFF, dahil hindi pa nga sila sigurado kung ano ang kanilang gagawin.
Hindi kumikilos ang film producers dahil sinasabi namang wala pang pagbabago sa quarantine protocols sa Metro Manila hanggang hindi naaabot ang “herd immunity,” eh sa bagal ng pagbabakuna dahil marami pa ang hindi kumbinsidong magpabakuna, at hindi rin naman mabakunahan lahat ng pumapayag dahil sa bagal ng dating ng mga bakuna, malabo pa iyan.

Ngayon pa lang nila sinasabing “baka dumating na” ang mga bakunang binili mula sa Pfizer at iba pang kumpanya. Simula kasi noong magbakuna ang ginagamit lang ay ang Sinovac na donated ng China at iyong iba naman na nahingi sa pamamagitan ng Covax facility. Sa ngayon ang sinasabi lang namang mabilis sa pagbabakuna ay ang Maynila, pero wala naman sa Maynila ang mga malalaking sinehan.

Ang mga dinarayong sinehan ay nasa Quezon City, Mandaluyong, Makati, Taguig at Pasay. Iyang mga lugar na iyan, hindi rin basta magluluwag ng quarantine o papayag agad na mabuksan ang kanilang mga sinehan para sa festival. Kung iisipin kasi, wala namang kinikita ang mga local government diyan sa festival. Ang humahawak niyan ay MMDA, at ang kinikita sinasabing “ibinabalik sa industriya” at sa iba pang beneficiaries, aywan lang kung hanggang ngayon mayroon pa ring “cash gifts” diumano “sa mga napagod.”

Kung ang MMFF sa taong ito ay magiging kagaya lamang noong nakaraang taon, na ipalalabas lamang sa pamamagitan ng internet, aywan na lang kung sino pa nga ang sasali at kung may malaki pang pelikulang ipapalabas.

Ang producers at maging mga artista ay nag-aabang lang kung ano ang mangyayari. Ayaw din naman kasi ng mga artista na gumawa ng pelikula na masasabing hindi kumita dahil sa internet lamang ipinalabas. Noong nakaraang taon nga nagsimula at natapos ang festival nang hindi masyadong namalayan ng mga tao, bukod pa nga sa katotohanang wala rin namang masyadong nagsaya noon dahil sa lockdown at wala na ngang hanapbuhay ang marami. Ngayon hintayin na lang natin kung mabubuksan nga ang mga sinehan kahit na papaano, at  kung magbubukas na nga ba ang ekonomiya para kahit papaano may pang-sine na ang mga tao.

Showtime at EB, limitado ang mga galawan

Umamin na si Vice Ganda na totoong naaapektuhan na ang kanilang programamg It’s Showtime dahil wala na ngang halos magawang bagong segment, at hindi na napapalitan ang set sa studio at iyan ay dahil sa limitasyon daw ng taong nagtatrabaho para sa show simula noong lockdown at nawalan pa ng franchise ang ABS-CBN.
Pero hindi lang naman sila ang apektado. Lumipat pa sa isang bagong studio ang Eat Bulaga, pero ang show nila ay parang isa na lang pinahabang segment dahil hindi rin naman nila magawa iyong mga dating gimmick nila sa show, at sa totoo lang malaking bagay iyong wala sina Joey de Leon at Vic Sotto sa loob ng studio. Karamihan ng gimmick nila ay hindi plano kundi naiisip lamang habang tumatakbo na ang show. Eh ngayon dahil wala nga iyong dalawa dahil sa pagbabawal sa senior citizens na lumabas pa ng bahay, talagang tinamaan din ang Eat Bulaga.
Bumaba talaga ang bilang ng audience ng noontime shows. Ang sinasabi pa, pinanonood na lang daw ang mga Korean serye sa digital broadcast sa telebisyon.­ Masama iyan.

Gay politician, suko na sa male star na suki ng mga bading

Sinasabi ng isang gay politician na hindi na niya babalikan ang male star na matagal din niyang naging lover noon. Kasi matapos siyang magbakasyon sandali at mapahinga matapos matalo noong nakaraang eleksiyon, pagbalik niya ay nalaman niyang karelasyon na ng dati niyang boytoy ang isang TV network executive, at matapos namang bitiwan ng big man sa network, agad namang nakipagrelasyon sa isang madaldal na politician.

Kaya raw kahit na gusto niya talaga ang male star noon, ayaw na niya ngayon dahil kung kani-kaninong gay na pumatol iyon.

Hindi alam ng gay politician na noong karelasyon niya iyon ay iniwan noon ang dating nag-aa­laga sa kanya na manager ng isang mall, na nang patulan naman niya ay tinalikuran na niya ang gays na may-ari ng mga puchu-puchong beauty parlors na sinasamahan niya noong araw, at nag-aabang sa kanya sa basketball court ng isang subdivision. Iyon ang panahon ng kanyang “500 pesos per date.”

 

vuukle comment

MMFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with