^

PSN Showbiz

Mga nagpapabakunang artista, ayaw tantanan ng intriga

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mga nagpapabakunang artista, ayaw tantanan ng intriga
Marian
STAR/ File

Hayan naman ang mga nega na tao na parang walang magawa talaga. ‘Pag artista, la­ging merong nakikitang mali.

‘Pag iba ang brand ng bakuna, bashing­ agad. ‘Pag nagpabakuna, meron agad reaction na hindi naman totoo.

Naku, ngayon lang nabakunahan sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, Sinovac pa, may issue pa rin? Noong nauna sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid, sabi binigyan ng special treatment.

Nagpabakuna si Alice Dixson, meron ding sinabi.

Ano ba naman, ang dami ngang umaayaw sa bakuna, heto at ngayon lang nagawa nina Dingdong at Marian, pero meron pa ring dada ang iba.

Kaya tayo nagmumukhang mga inggitera dahil na rin sa basta may ginawa ang iba, negative reaction agad. Para bang nakabantay lang tayo sa kilos na puwede nating bigyan ng ibang kulay.

Ang galing nga na puwede sigurong makapamili ng bakuna sina Dingdong at Marian pero heto, ‘yung common na Sinovac ang ginamit sa kanila na ok lang.

Dapat ngang purihin sina Dingdong at Marian na hindi namili, kung ano ibinigay sa kanila tinanggap nila.

Naku ‘yung mga gumagawa ng issue, dapat bakunahan sa bibig, itusok lahat ng brand ng bakuna sabay-sabay, para talagang hindi na magkaroon ng nega vibes.

Scarlet, ­nagpo-promote ng local ­tourist spots

Parang ang ganda-ganda ng Bohol.

Nandun ngayon sina Dra. Vicki Belo, Dr. Hayden Kho, Scarlet at si Sec. Berna Romulo Puyat.

Gusto talagang ipakita ni Sec. Berna ang ganda ng Pilipinas para maengganyo ang mga local tourist mismo na unahing puntahan ang sarili nating bayan. Totoo naman na kung sights, pagkain, hospitality, number 1 ang bayan natin.

Nagtataka nga ang marami ‘pag nakikita ang beaches natin na mas maganda pa raw sa Phuket, ‘yung mga hotel natin na puwedeng ilaban sa mga nasa abroad.

Ang medyo hindi lang sure ‘yun ngang transpo, mga delay na flight at ang minsan ay issue ng security. Pero lately napapansin na ng marami na very safe na ang pamamasyal around the Philippines. Parang nawala na rin ang kaba sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Malaki talaga ang nagawa ni Sec. Berna para mapaganda ang tourism business natin.

After Boracay, heto na ang Bohol sa next na gugustuhin mong pasyalan. Nasa top pa rin ang Baguio. At mukhang ambassador ng Department of Tourism si Scarlet dahil madalas siya ang face na ipinapakita sa mga magagandang lugar ng Pilipinas.

Bongga ang pamilya Belo dahil talaga namang mahilig sila sa magagandang lugar, at may karapatan silang mag-endorse ng inaakala nila na dapat makita ng mga turista.

vuukle comment

BAKUNA

SCARLET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with