^

PSN Showbiz

Aktres grabe ang sakripisyo sa karelasyong sumpungin at seloso!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nag-aalala ang maraming nakapalibot sa isang magkarelasyong perso­nalidad na baka isang araw ay mapagod na lang ang babae sa kanyang napakaseloso, sumpungin at duderong boyfriend.

Kung may artistang babaeng sumpungin ay meron ding mga kalalakihang artistang nagmamaldito nang walang dahilan.­ Basta type lang nila. Basta bigla na lang silang nawawala sa mood.

Kuwento ng aming source, “Isa sa mga mahirap sakyan ang ugali, e, ‘yung boyfriend ng isang female personality. Masyadong apektado ang girl kapag bigla na lang nawawalan ng kibo ang boyfriend niya!

“Ayaw na ayaw niyang nakikitang nawawala sa mood ang mahal niya, gagawin niya ang lahat-lahat, para na nga siyang payaso para lang mapatawa ang boyfriend niya!” umpisang kuwento ng aming impormante.

Matagal na silang magkarelasyon kaya kabisado na ng babae ang galawan ng kanyang boyfriend. Alam na alam na niya kung maganda ang gising ng lalaki, kung problemado ito, dahil sa mga ikinikilos.

Patuloy ng aming source, “Maligaya ang girl sa relasyon nila, pero hindi man niya aminin, e, nahihirapan na siya. Hindi nga naman kasi niya trabaho ang alagaan ang BF niya, lalong hindi niya obligasyong pasayahin ang guy kapag wala sa mood.

“Hindi lang nagsasalita ang girl, pinagtatakpan niya ang guy sa parents niya. Kapag nalaman kasi ng parents niya ang mga ginagawa niyang sakri­pisyo, e, baka pahiwalayin na siya sa guy!

“Bakit nga naman nila pababayaang maging ganu’n ang anak nila? Kaya nga siya nakikipagrelasyon, e, para maging happy siya, di ba? Pero kung ganu’n naman na puro pag-aalala ang ginagawa ng babae, bakit pa sila nagpapatuloy?” madiing kuwento pa ng aming impormante.

Sumpungin na ay seloso at dudero pa ang male personality. May kumausap lang sa girl ay agad na itong sisimangot at mawawala sa mood.

Balik-chika ng aming source, “E, di ba, thinkers are doers? Hindi kaya one day, e, madiskubre na lang ng girl na ang boyfriend pala niya ang may mga ginagawang milagro?

“Kailangan niyang talasan ang pang-amoy niya, bantayan niya ang mga pinaggagagawa ng boyfriend niya! Minsan na niyang nahuling nakikipaglandian sa ibang artista ang guy, hindi imposibleng maulit ‘yun!

“Nakakaawang girl, sobra-sobra na ang mga sakripisyo niya, hindi niya deserve ang lalaking walang mahal kundi ang sarili lang niya!” galit na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Mag-iina ni Jomari, namumuhay na naman sa dilim

Muling pinutulan ng kuryente ang bahay na tinitirhan ni Joy Reyes, dating karelasyon ni Jomari Yllana, kasama ang kanilang dalawang anak na sina Ayrton at Fangio.

Kung matatandaan, Enero ng taong ito nang ­unang maputulan ng kuryente ang bahay ng mag-iina ng aktor, hinihingi ni Joy ang mga resibo sa Meralco para maiwasan ang pagputol ng kanilang serbisyo, pero walang ipinadadala si Jomari.

Magkakalahating taon na pala uling hindi nagbabayad ng kuryente si Jomari, ayon kay Joy, kaya ang unang-unang tinamaan nu’n ay ang kanilang mga anak na maliliit pa.

Bahagi pa ng post ng rebelasyon ni Joy Reyes, “I’m wondering what Ayrton and Fangio had done to deserve this treatment from their own father. First, he made the babies fatherless. And now, he’s ma­king them homeless.”

Hindi man niya binanggit ang pangalan ng ama ng kanyang mga anak ay inilarawan niya si Jomari bilang heartless and brainless.

At kung may katotohanan ang ipinost ni Joy tungkol sa ipinadadalang gatas ni Jom sa kanilang mga anak ay mababagbag ang puso ng sinumang makakabasa nu’n.

Ang konsumo raw na gatas ng kanilang mga anak sa loob nang dalawang linggo ay anim na boxes. Ang ipinadadala lang ni Jomari ay apat na kahon. Kapag ipinaaalala raw niya na kulang ang gatas ng mga anak nila ay ito ang sagot ni Jomari.

“He literally wants the babies to stop drinking milk once their supplies are all used up,” deklaras­yon ni Joy.

Haaay, nakakalungkot lang isipin na sa pag-aaway nina Jomari at Joy ay ang kanilang mga anak ang nalalagay sa hindi magandang sitwasyon at naisasakripisyo.

Hindi naman hinihingi ng mga bata na sina Jomari at Joy ang maging magulang nila. Hindi nakapamimili ng magulang ang mga anak.

Ayon sa kuwento ay namumuhay sa dilim nga­yon ang mag-iina ni Jomari, madalas na nakikita ang dalawang bata na naka-diaper lang, dahil sobrang init sa kanilang bahay.

Ito ang panig ni Joy Reyes, pero siyempre’y meron din namang maaaring sabihin si Jomari tungkol sa senaryo, mula du’n ay saka pa lang tayo makakapanghuhusga kung kanino ba ang problema.

Pero may punto ang tanong ni prop, “Nagtatrabaho ba si Joy? Nakatutulong ba siya financially sa pagpapalaki sa mga anak nila ni Jomari? O naghihintay lang siya sa sustento ni Jom?”

 

vuukle comment

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with