^

PSN Showbiz

Dingdong hindi interesado sa cabinet position!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Dingdong hindi interesado sa cabinet position!
Dingdong
STAR/ File

Base naman sa sagot ni Dingdong Dantes sa nakaraang mediacon ng 3rd anniversary ng Amazing Earth, tila desidido siyang hindi papasukin ang pulitika. Wala raw siyang planong tumakbo sa 2022 elections, at wala rin daw nagkukumbinseng tumakbo siya.

At tila iniiwasan itong pag-usapan ng GMA Primetime King.

Ang sabi pa niya, hindi nga raw nila ito pinag-uusapan ni Marian Rivera. “Hindi na namin napag-usapan kasi wala naman po talagang any plans. So, walang napag-usapan,” safe niyang sagot sa amin.

Pero kahit nga sinabi sa kanyang puwede siyang mabigyan ng cabinet position ay tila hindi naman siya interesado. Sabi sa kanya ni Kuya Eugene Asis, puwede siyang maging Secretary ng Department of Environment and Natural Resources. Pero sabi ni Dingdong; “I think, lahat naman po puwede nating gawin kahit naman wala tayo sa ganung klaseng posisyon. In fact ‘yung Amazing Earth di ba? Isa siyang programa na nagi-educate. Isa siyang programa na nagi-entertain, and I think that is already a public service because it is not just pure entertainment, it also has values na sinisiguro natin na may quality education and entertainment para sa ating manonood.”

Inspired si Dingdong  sa Amazing Earth, dahil marami raw mga lugar dito sa atin na napapanatili pa rin ang ating kalikasan na maaring hindi pa ito alam ng taumbayan.

Kagaya ng Pasig Rainforest na isa sa ipi-feature sa Amazing Earth bukas, ng 7:40 ng gabi. Nakapanayam niya roon si Mayor Vico Sotto, at nakakatuwa na napangalagaan pa ito ng LGU ng Pasig. Meron din daw ganitong rainforest sa Maynila.

Dagdag na pahayag ni Dingdong; “Iyun ang natitirang isa sa mga last remaining lungs of the city. Sa Manila meron ding ganun, that’s why matindi rin effort ng mga LGUs to really preserve these areas. Siyempre, hindi mo maiwasang may mga development di ba?

“May magtatayo ng  building, may magtatayo ng mga bahay, pero maganda rin na meron pa ring mga ganito tayong klaseng parks that we maintain especially within Metro Manila. And para sa akin, the best way to really show support sa mga ganitong klaseng initiatives ay pag-feature sa Amazing Earth. Kasi, hindi naman lahat ng tao ay alam na may ganito. Hindi naman lahat ng tao ay nakakapunta sa ganitong klaseng mga park, lalo na sa panahon ngayon.

“That’s why Amazing Earth will serve as your tour guide for now.

Samantala, isa si Dingdong sa mga big star ng Kapuso network na magpapasimuno sa 71st anniversary celebration ng GMA 7 sa All-Out Sundays ngayong Linggo.

Beauty sasabak agad sa mini series

In-announce na ng GMA 7 ang pagiging Kapuso ni Beauty Gonzales. So tama rin pala ang ­desisyon noon ng manager niyang si Arnold ­Vegafria na ilipat siya sa Kapuso network.

Naudlot lang noon, dahil nagbago ang isip ni Beauty at gusto pang manatili sa ABS-CBN 2.

Ngayon ay certified Kapuso na siya at isa raw sana sa gustong gawin ng aktres ay mag-comedy, at dream niyang makasama si Michael V. Pero sa ngayon ay isang mini-series ang gagawin ng aktres.

Siya ang bida sa unang installment ng mini-series na Stories from the Heart -  Loving Miss Bridgette. Si direk Adolf Alix ang direktor na ipinost nga niya sa kanyang Facebook account, pero nagka-casting pa rin daw sila.

Ang unang napabalitang makaka-partner dito ni Beauty ay si Kelvin Miranda. Pero latest na balita namin ay hindi pa raw talaga sure dahil sa nagkakaproblema sa schedule.

Pagkatapos kay Beauty, isa sa inaasahang ipapakilala rin ng GMA 7 bilang bagong Kapuso ay si Pokwang.

Under negotiation pa raw ang iba, kaya wala pa silang sagot kung tuloy na ba ang paglipat nina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Piolo Pascual, Ejay Falcon, Marco Gumabao at iba pa.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with