^

PSN Showbiz

Magkarelasyong celeb ayaw pagamit kaya nanahimik!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming sumasang-ayon sa pananahimik ngayon ng magkarelasyong kilalang aktor at popular na aktres. Walang katotohanan ang kumalat na kuwentong hiwalay na sila.

Hindi lang sila mahilig magbuyangyang ng mga nagaganap sa kanilang buhay sa publiko, inaalagaan nila ang kapribaduhan nila bilang mga tao, pero maayos na maayos nag takbo ng kanilang pagmamahalan.

Maganda ang kanilang kumbinasyon. Meron silang disiplina. Kapag marami silang trabaho ay nagagawa nilang hindi muna magkita nang personal, masaya na sila sa pagkukuwentuhan sa telepono, ano nga naman ang ginagawa ng video call na nagkakakitaan naman sila?

Kuwento ng aming source, “Ang ganda-ganda ng relasyon nila, pareho silang mature na, malawak na ang pang-unawa nila sa profession na meron sila.

“Kung three weeks na naka-lock-in ang male personality, e, okey lang sa girl, anyway, may mga panahon namang siya ang nagtatrabaho nang malayuan.

“Very ideal ang relasyon nila, maayos na dapat tularan ng ibang mga kapwa nila artista, kering-carry nila ang panahon ng pandemya,” unang pagkilatis ng aming impormante sa magkarelasyong artista.

Pero may dahilan din ang kanilang pananahimik, mas malalim ang dahilan, umiiwas kasi silang magamit at makaladkad sa buhay ng isang female personality.

Komento uli ng aming source, “Ano nga ba ang pinakamgandang paraan para makaiwas sila sa mga taong binabantayan ang relasyon nila para sila magamit?

“Wala silang hilig sa pagsagot, hindi sila ipinaglihi sa patola, samantalang may mga tao nga namang sa umaga pa lang, e, puro patola na ang kinakain, kaya napakadali nilang manggamit ng mga taong nananahimik lang.

“Naku, lalo na ang male personality na walang hilig sa pakikipagtalo, siguradong magagamit siya ngayon, kasi nga, kailangang mag-ingay ng ex niya na walang katahimikan ang buhay!

“Natural, kung maglalabas nga naman sila ng mga pictures na napakasaya nila, e, siguradong magre-react ang girl! Gagamitin na naman ang mga bagets na walang kamalay-malay, kaya huwag na lang silang mag-post para walang gulo!

“Secure na secure na sila sa kanilang relasyon, wala na silang kailangan pang patunayan, kung maayos nga lang ang sitwasyon nila ngayon, e, baka matagal na silang nagpakasal!

“Kung sakaling puwede na silang humarap sa altar, saan kaya nila pipiliing magpakasal? Sa Santiago, Isabela o sa Sta. Maria, Bulacan?” bigay na bigay nang clue sa pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Pagiging mahiyain ni Maine kinontra

Diretsong sinabi ni Sylvia Sanchez sa Cristy Ferminute na maligayang-maligaya ang kanyang panganay na si Arjo sa kanilang relasyon ni Maine Mendoza.

Ayaw na sanang magkomento pa ng magaling na aktres tungkol sa dalawa, pero masigasig kaming makibalita, kaya wala na siyang magawa kundi ang sagutin na lang ang aming mga tanong.

“Nu’ng ipakilala siya sa amin ni Arjo, pumasok siya sa saming bahay hindi bilang si Maine Mendoza na sikat. Si Nicomaine ang nakilala namin,” paliwanag ni Sylvia.

Mula nang maging magkarelasyon na ang da­lawa ay araw-araw nang nabuhay sa pamba-bash hindi lang si Arjo kundi ang kanilang buong pamilya. Itinatawa na lang ni Sylvia ang mga bintang ng bashers, pero masakit ang mga paratang laban sa kanila, nakikiangkas lang daw sila sa kasikatan ni Yaya Dub at ang pinupuntirya lang daw ni Arjo ay ang milyones ng dalaga.

Para sa isang pamilyang tulad ng mga Atayde na matagal nang milyonaryo ay mahirap tanggapin ang mga akusasyon. Hiyang-hiya na nga raw si Maine sa kanilang pamilya.

Isa pang rebelasyon ni Ibyang ay mahiyain daw si Maine, hindi raw ito suplada, mahiyain lang talaga na nu’ng unang sabihin sa kanya ni Arjo ay pinagtakahan din niya.

Napakaraming nagbigay ng negatibong reaksiyon sa kanyang sinabi, kaliwa’t kanang karanasan ng kamalditahan ni Maine ang lumutang, best foot forward lang daw ang ipinakikita nito sa kanilang pamilya.

“Mahiyain daw si Maine? E, bakit siya pumila sa audition nu’ng PBB? Ang mahiyain talaga, e, hindi papasok sa showbiz!” agarang komento ng isang nakatutok sa CFM.

“Nilulukot-lukot nga niya ang buong mukha niya, pangiwi-ngiwi siya, ganu’n ba ang mahiyain?” komento naman ng isa pang manghang-mangha sa sinabi ni Sylvia na mahiyain daw ang girlfriend ng kanyang anak.

Markado sa pagiging maldita si Maine, kahit sa hanay naming mga manunulat ay wala itong ka-close, dahil parang utang na loob pa sa kanya ng mga reporters ang mga pulisidad para sa kanya.

Pero ‘yun ang imaheng ipinakikita ni Maine sa pamilya ni Arjo, ‘yun ang nasasaksihan ng pamilya Atayde sa kanya, kaya hindi natin puwedeng batikusin ang paniniwala ni Sylvia tungkol sa kanyang manugang na hilaw.

Kami mismo ay nakatikim nang napakatalas na dila ng Yaya Dub na ito dahil malapit sa amin si Alden Richards. Mahal namin ang aktor dahil sa pagiging mapagkumbaba nito at makatao.

Nag-post si Maine Mendoza ng duwakang na parinig. Walang pangalan pero alam naming kami ‘yun. Sabi nito, “We are not born to please everybody.”

Na totoo naman. Totoong-totoo ‘yun dahil hindi rin naman kami ipinanganak to please her.

It’s a tie!

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with