^

PSN Showbiz

Sexy star na nagbago ng imahe, sapaw na sapaw na ang career

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Hindi kinagat ang pagbabagong image ng dating sexy star. Umayaw na siyang magpa-sexy sa mga pro­ject.

Hayan, naunahan tuloy ang former sexy star ng isang baguhang walang isyu sa pagpapaseksi. Kaliwa’t kanan ngayon ang series ng isa ring sexy star at kung may movies lang, baka lalo siyang maging mabenta, huh!

Dinaig din ang dating sexy star ng baguhang sexy rin ang image. Kahit napurnada ang career ng sexy star, kumikita naman siya sa kanyang vlog. Nakapag-donate ng malaking datung sa makabuluhang fund raising, huh!

Sa totoo lang, kabilang naman sa isang weekly series ang dating sexy star. ‘Yun nga lang, one of those lang siya dahil maraming cast siyang kasama.

Paano naman kasi, hindi pa nga sumisikat nang husto, umayaw na agad sa sexy image! Maghintay siya kung mabibigyan siya ng drama series, huh!

Hayan, wala na tuloy ingay ang pangalan ng dating sexy star!

TIPMMG, tumutulong din!

Nakakatuwa naman ang pag-abot ng more than 100 episodes ng Pilipino Star NGAYON’s online show na Take It… Per Minute Me Ganun!

Hosts dito sina Manay Lolit Solis, Cristy Fermin at Mr. Fu na addition sa gang.

Sa totoo lang, maraming followers ang show na napapanood every Tuesday, 12nn-1 p.m.

Ang bongga sa online show, tumutulong din sila at ang nasa likod ng show sa ginagawang Showbiz Pantry para sa movie press.

Just recently, naganap ang second showbiz pantry. Naging sponsors sina Willie Revillame, Cong. Niña Tuduran, MTRCB Chairwoman Rachel Arenas at ang online show.

Maraming-maraming salamat, Take It… Per Minute Me Ganun! Keep up the good work!              

vuukle comment

TIPMMG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with