^

PSN Showbiz

Jimuel, normal na ang tingin sa bashers

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jimuel, normal na ang tingin sa bashers
Jimuel

Napapanood na ngayon ang digital series na Click, Like, Share kung saan kabilang si Jimuel Pacquiao. Maituturing ng panganay na anak nina Manny at Jinkee Pacquiao na ito na marahil ang kanyang biggest break bilang isang baguhang artista. “It’s actually fun for me naman and the reason why I’m here is because I want to grab the opportunity kasi. Sabi nga nila when you’re young and you have time on your side. That’s why I’m here,” nakangiting pahayag ni Jimuel.

Kahit noong hindi pa nag-a-artista ay tanggap na umano ng binata ang pagkakaroon ng online bashers. Para kay Jimuel ay normal lamang daw ang mga ganitong pangyayari lalo na sa show business. “I’m just a very laidback person. I don’t engage people in the comments unless barkada ko. When it comes to people bashing me, I just tune it out. Ever since kasi nasanay na ako getting comments from a lot of people saying bad things. Nasanay na rin siguro ako. If anything negative about me, I just block na lang,” paliwanag niya.

Umaasa si Jimuel na makagagawa pa ng ibang mga proyekto kahit na patuloy pa rin nating kinakaharap ang banta ng pandemya. “Siguro when everything’s okay na and we get to do more stuff, more challenges. So ‘yon lang siguro ‘yung ini-expect ko. That we’ll have more stuff to do and have more fun together,” pagtatapos ng baguhang aktor.

Aubrey at Troy, last year nakaisip pakasal

Mahigit labingwalong taon nang nagsasama ngayon sina Aubrey Miles at Troy Montero. Kahit hindi pa naikakasal ang magkasintahan ay masayang-masaya naman silang namumuhay kasama ang mga anak. “18 years we’re not married but we’re happy,” bungad ni Troy.

“We always say, it’s going to happen. It’s just because we know it’s going to happen and we’re not really in a rush,” dagdag naman ni Aubrey.

Hindi sumasagi sa isipan ng magkasintahan ang magpakasal kahit na magdadalawang dekada na silang magkasama sa iisang bubong. Nito lamang isang taon daw naisipan nina Aubrey at Troy ang tungkol sa kanilang pag-iisang-dibdib. “It’s been almost two decades. So last year we decided, we’re going to do it, not because of the people asking us to do it but because we wanted to na talaga,” pagtatapat ni Aubrey.

Sa loob ng halos dalawang dekada ay mara­ming mga pagsubok na rin ang nalampasan nina Aubrey at Troy sa kanilang relasyon. Sa ngayon ay gusto na rin ng mga anak ng magkasintahan na matuloy na ang pagpapakasal ng dalawa. “’Yung seventeen years na ‘yon hindi namin naisip magpakasal. Kasi we had so many things planned na gagawin. ‘Yung wedding, ‘yung ceremony parang later on but we weren’t scared to talk about it. We’ve been through a lot. We’ve done so much. Maybe let’s get married already, that’s why,” nakangiting pagbabahagi ni Aubrey.

Sa Batanes dapat gaganapin ang kasal nina Aubrey at Troy noong April 23, 2020. Hindi lamang ito natuloy dahil sa pagkakaroon ng COVID-19 pandemic. “We were going to stay in this nice hotel in the middle of the cliff. It’s a rock hotel. ‘Yon ‘yung mga plano. Meron na kaming wedding planner there and photographer, may video, and ang magwe-wed sa amin do’n dapat ‘yung Mayor ng Batanes,” pagdedetalye ng aktres.

“We were going to be married in this grassy field overloo­king the ocean. So it was going to be very picturesque, hoping it doesn’t rain but it’s going to be great,” dagdag naman ni Troy. Reports from JCC

vuukle comment

JIMUEL PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with