^

PSN Showbiz

Pagbalik ni John Lloyd, tinanggap!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Kahit ako si John Lloyd Cruz, maiiyak ako sa reception sa akin ng fans lalo na sa social media.

Dapat lang siguro isama ni John Lloyd sa pasasalamat niya ang hindi rin tumigil na interest sa kanya ng press. Tuluy-tuloy ang mga isinusulat ng mga ito about John Lloyd, kaya naman hindi natigil ang mga balita about him. Kaya nang lumabas siya live for the first time sa screen kasama ni Willie Revillame, whamm talagang tanggap na tanggap ng publiko.

Kitang-kita mong teary eyed si John Lloyd, parang hindi niya akalaing ganun ang warm reception sa kanya ng mga GMA 7 stars, ‘yung mga taong nasa Araneta.

Bongga talaga basta isa kang mahusay na artista, naging maganda ang pakikisama mo, madali lang talaga ang pagbabalik. Ngayong nasa showbiz na naman siya, siguro nakatulong din ang necessary vacation na kanyang ginawa para sa renewed energy niya ngayon sa trabaho.

Welcome, John Lloyd Cruz, work na uli. Ipakita mo ang husay mo sa pag-arte, trabaho na uli, saka na uli ang lovelife.

Derek, gustong makatrabaho si Ellen

Siguro nga gusto rin ni Derek Ramsay na makasama sa trabaho si Ellen Adarna. Balitang gumagawa ng paraan si Derek para makapasok sa GMA 7 si Ellen. Pero in fairness, sa GMA 7 nag-umpisa ang career ni Ellen bilang host, na na-discover sa Cebu at inalok na pumasok sa TV.

Now, siguro gusto ni Derek na makagawa sila ng isang project together ni Ellen, kaya why not? Bagay nga siguro na magsama sa isang serye ang dalawa, at depende sa project magiging hot ang team nila. Bagay na bagay sila physically, at pagdating siguro sa acting, puwede ring swak ang ta­lent nila.

Colorful ito kung sakali, at siguro very hot ang serye. Derek and Ellen, why not? 

 

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with