^

PSN Showbiz

Aktres na nag-feeling, hindi ni-renew ang kontrata!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Totoo pala ‘yung kuwentong diretsong tinanong ng isang kilalang female personality ang mga ehekutibo ng istasyong pinagseserbisyuhan niya kung ano na ang mga plano nito para sa kanya?

Natural, shocking Asia ang mga executives, napakalakas ng kanyang dating sa pagtatanong. Anyare?

“Ayun, instead na maging maganda ang resulta ng pagtatanong niya, kabaligtaran ang nangyari. Hindi na siya ni-renew,” madiing sabi ng aming source.

Sabi nga, ang mga salita ay parang susi kung gagamitin lang natin nang tama, napalalambot ng magagandang salita ang puso kung paanong pinatitigas din kapag maling-mali ang pagpapakawala ng mga salita.

Aktor nawalan ng table manners nang magkabisyo

Manghang-mangha ang mga kasamahan niyang artista at production staff sa kawalan ng table manners ng isang kilalang male personality.

Isang mahabang table ang ihinanda, sabay-sabay na kumain ang mga artista ng serye, pati ang production staff. Masaya ang grupo, nagkukuwentuhan sila habang kumakain, hanggang sa mabusog na silang lahat.

Kuwento ng aming source, “Nalokah lang ang lahat nu’ng mapansin nila ang kasamahan nilang male personality na nagtitinga nang hindi man lang tinatakpan ang mouth niya!

“As in, tinga siya nang tinga, tapos, kinakain pa niya ang tinga niya, shocking galore ang mga kaharap niya!

“Hindi naman masasabing lumaki siyang hindi tinuturuan ng parents niya ng table manners, may sinasabi ang pamilya nila, kilalang-kilala ang apelyido nila sa lipunan!

“Ang ibang co-stars niya, gusto pa sanang mag-stay sa table para magkuwentuhan, pero nag-alisan na! Paano naman, kitang-kita nila na tinga nang tinga ang male personality!

“Nakakadiri nga naman ang ganu’n, di ba? May napkin naman para takpan niya ang bibig niya, pero talagang tanggal lang siya nang tanggal ng tinga na parang nag-iisa lang siyang nandu’n!

“Isang kapwa niya artista ang nag-comment, ‘Nagbabago talaga ang ugali ng tao kapag nagbibisyo! Wala siyang pakialam sa mga ginagawa niya, kasi nga, under the influence siya!’

“’Yun din kaya ang dahilan kung bakit siya hinihiwalayan ng mga nakakarelasyon niya? Magtinga ba naman siya nang buong-ningning habang maraming kaharap, aba naman!” parang kinikilabutang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Mga Pinoy na mahilig sa chicken, ‘di naapektuhan ng ‘tuwalya’

Hindi ka batang Pilipino kapag hindi mo kilala ang Jollibee. Kapag hindi mo kilala si chicken joy. Bawat batang Pinoy na lumalaki ay siguradong lumalambing ng Jollibee sa kanilang mga magulang.

Natutukan namin ang reklamo ng isang kababayan nating umorder ng fried chicken sa food chain, pero ang dumating sa kanilang bahay ay hindi chicken joy, kundi tuwalyang kinulapulan ng breading at saka isinalang sa kalan.

Napakatindi nu’n, ang mga taong mabilis humusga ay siguradong maaapektuhan, magpapalit na sila ng oordering fried chicken.

Nakiramdam kami. Sa mismong bahay namin. Alam ng mga anak at apo namin ang kuwento ng makasaysayang tuwalyang pinagmukhang manok pero wala lang silang pakialam.

Nagpadeliber pa rin sila ng chicken joy, spaghetti, burger steak at french fries. Pagdating ng order ay sarap na sarap nilang kinain ang mga produkto ng Jollibee na parang walang isyung pinagpipistahan ngayon.

Hindi kayang tibagin ng isang tuwalya lang ang kredibilidad na mahabang panahong binuo ng Jollibee. Ang nag-iisip na Pinoy ay hindi maniniwalang ganu’n kaires­ponsable ang natutuhan na nilang mahaling kumpanya.

Nangyari man ang kuwento ng tuwalyang ginawang fried chicken ay wala pa ring pakialam ang ating mga kababayan, lalo na ang mga bata, na makita pa lang ang estatuwa ni Jollibee ay nagpapalakpakan na.

Bago kami sumalang sa Cristy Ferminute nu’ng nagpoprograma pa kami sa TV5 at hindi pa nagwo-work from home ay halos araw-araw naming kakambal si Jollibee.

Chicken joy, burger steak, hamburger at french fries. Paikut-ikot lang kami sa mga ganu’ng produkto ng Jollibee. Ibang-iba kasi ang kanilang lasa, Pinoy na Pinoy, at Pilipino rin ang may-ari ng food chain.

Nagkuwentuhan kami ng kaibigan naming propesor tungkol sa mahiwagang tuwalyang iniimbestigahan na ngayon ng kumpanya. Tawa kami nang tawa kay prop.

Ang kanyang komento, “Kahit underwear pa ang ipinangsabotahe sa Jollibee para magmukhang chicken joy, e, tatangkilikin ko pa rin ang mga produkto nila.

“Kapag nasa ibang bansa ako, nami-miss ko ang chicken joy, naglalaway ako, kaya kapag pauwi na ako, mahigpit ang bilin ko sa pamangkin ko.

“Pagdating ko sa bahay, kailangang nasa table na ang chicken joy na kakainin ko. Basta!” seryosong kuwento ni prop.

Kredibilidad ang tawag du’n.

 

vuukle comment

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with