^

PSN Showbiz

Audrey Hepburn look ni Vice, pinag-usapan!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Audrey Hepburn look ni Vice, pinag-usapan!
Vice

Nasilip namin ang pilot episode ng game show ni Vice Ganda na matagal naantala ang pagpapalabas sa ABS-CBN 2.

Ito ‘yung Everybody, Sing! na naudlot lang dahil sa pandemic, pero finally ay itinuloy na rin at nagsimula na noong nakaraang Sabado na ipinalit sa timeslot ng Your Face Sounds Familiar.

Parang All-Star K nina Allan K at Jaya dati, pero maraming contestants na ang impression ng ilang napagtanungan ko ay parang may pa-Christmas party lang daw ang game.

Pero nang pinanood ko ang pilot episode nito, nakakaaliw naman at madaling tutukan at laruin ng mga manonood. Likas naman kasi sa mga Pinoy ang hilig sa pagkanta kaya nakakaaliw at magaan panoorin.

Malaking bagay ding si Vice Ganda ang naghu-host na nae-enjoy din ang ayos niya every episode.

Noong Sabado ay naka-Audrey Hepburn look siya na iyon pa ang mas pinag-usapan ng netizens kesa sa game show. Noong Linggo ay naka-Minnie Mouse na ayos at nakakaaliw naman.

Okay naman ang mga ganung game show na madaling subaybayan at madaling panalunin.

Kaya noong pilot episode nito ay nakuha nila agad ang jackpot na P500K. Hindi nga lang gaanong mataas ang rating ng pilot episode nitong Everybody Sing! Naka-1.8 percent lamang ito noong nakaraang Sabado ayon sa AGB NUTAM.

Okay din ang ibang game shows sa TV5, pero mas na-enjoy namin ang The Wall dahil okay na okay as host si Billy Crawford.

Parang hindi bagay sa game show si Yassi Pressman sa Rolling In It Philippines at si Xian Lim sa 1000 Heartbeats: Pintig Pinoy.

Sayang naman ‘yung Game of the Gens na napapanood sa GTV tuwing Linggo ng 8:30 ng gabi.

Aliw siyang panoorin at sabayan ang celebrity contestants.

Pinalitan ni Ruru Mad­rid si Andre Paras dahil nag-focus na muna sa basketball ang huli. Nagswak naman sina Ruru at Sef Cadayona. Iyon nga lang, apat na episodes na lang at matatapos na ang buong season nito. 

Celeb couple na muntik maghiwalay, pinapalabas na maayos na uli ang pagsasama

Okay na raw ang celebrity couple na ito na napabalitang muntik nang magkahiwalay kamakailan lang.

Ngayon ay nakikita na silang magkasama sa ilang social media posts nila. Pero sabi ng aming source, hindi pa raw talaga sila ganun ka-okay.

Ipinapalabas na lang daw sa publiko na okay na sila, para hindi na sila pag-uusapan pa.

Iba na raw ang setup sa bahay, at hindi raw talaga nabalik ang dating magandang samahan.

Pero malay natin, baka naman maayos din kapag dagdagan pa ni aktor ng tiyaga para maging okay na sila ni misis. Sana.

Chair Liza, tinawanan ang pagtakbo sa 2022

Nagsisimula na ang PelikuLAYA: LGBTQIA+ Film Festival mapapanood sa FDCP channel.

Isa ito sa proyektong ipinagmamalaki ng FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra.

Hangad niyang sana maipagpatuloy ito sa kung sino ang susunod na hahawak ng FDCP pagkatapos ng term ni President Rod­rigo Duterte.

Noong nakaraang mediacon ng PelikuLAYA ay nilinaw nga namin kay Chair Liza kung totoong may balak nga ba siyang tumakbo sa darating na eleksyon. “I’m not running sa 2022 elections. Hindi ko alam kung saan nanggaling ‘yan,” natatawa niyang pakli.

Mas naka-focus lang daw siya sa mga nasimulan niyang projects at pinaghahandaan na rin niya kapag matapos na ang pagsilbi niya sa susunod na taon.

“Actually, ang mas pini-prepare po ‘ko ngayon in the event na matapos po ‘yung eleksyon and of course I’ve served my time as chairperson for FDCP.

“How can we make sure that the hard work that our team, our family, our agency has started will be continued.

“Kasi marami naman pong magaganda at proud naman po ako sa mga nagawa po natin for the industry in the last six years. I’m on already on my 5th year.

“Alam po ng mga kasama ko sa FDCP how we’re all institutionalizing our goal some of the programs we feel can really support the FDCP and medyo nag-uumpisa pa lang po ngayon na maalagaan po siya,” dagdag pang pahayag ng FDCP Chairperson Liza.

 

 

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with