^

PSN Showbiz

Coco, pinapayuhang tantanan muna ang pulitika

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Coco, pinapayuhang tantanan muna ang pulitika
Coco

Matagal na naming naririnig na kinukumbinsi raw si Coco Martin na kumandidato sa 2022, at noong una ang sinasabi pa nga ay para maging senador. Kasi ang kumukumbinsi raw sa kanya noon at nangakong gagabayan naman siya ay si Senador Lito Lapid. Pero ano nga ba ang gagawin ni Coco sa senado?
Kung talagang interesado siya sa public service, dapat siguro nagsi­mula siya sa mas mababang posisyon. Baka mahirapan siya sa senado, o maski nga sa House na isang collegial body.

Isa pa, hindi siya sanay talaga sa pulitika, baka kung ano man ang naipundar na niya sa show business mawala pang lahat. Hindi sapat na sikat ka lang para manalo. Ang eleksiyon kalahati lang iyan ng laban, papaano iyong pagbibilang? Kung hindi ka sanay, baka ibinoto ka na ng mga tao, talo ka pa.

Dapat mag-artista na lang muna si Coco. Bata pa siya, mas malaki pa kikitain niya. Huwag niyang sayangin ang panahon niya. Huwag din niyang haya­ang masira pa ang maganda niyang pangalan ngayon dahil lang sa pulitika.

Diego, regular ang dalaw sa mga anak ni Sunshine

Akala namin kung ano ang okasyon at tila may party ang magkakapatid, ang tatlong anak ni Sunshine Cruz, sina Angelina, Sam, at Cheska, at ang kapatid nila sa ama na si Diego (Loyzaga) na anak ni Teresa Loyzaga. Talaga namang sa simula’t simula, noong nagbalik sa Pilipinas si Diego mula sa mahabang panahon ng paninirahan niya sa Australia, talagang close na siya sa mga anak ni Sunshine.
Siguro nga dahil inabot niya na nagsasama pa sina Sunshine at Cesar (Montano) at ang aktres nga ang unang nag-asikaso sa kanya noong siya ay dumating ng Pilipinas. At siguro dahil sa malawak na rin ang kanilang age gap ng panganay ni Cesar sa kanyang yumaong asawang si Marilyn Polinga, na si Angela, hindi siya napalapit dito.
Iyon namang kanilang pangalawang anak na lalaki, si Angelo ay nag-suicide at hindi na nga siguro nakilala ni Diego. Naging at odds naman ang relasyon nina Diego at Cesar kalaunan, kaya siguro hindi rin naman siya naging close, at isa pa noong una naman ay itinago nila si Corinth, ang anak na lalaki naman ni Cesar sa dating beauty queen na si Sandra Seifert. Natuluyan nga ang falling out nilang mag-tatay, kaya siguro hindi na rin niya nakilala ang tatlong bagong anak ng tatay niya kay Kath Angeles.
Kaya nga kung iisipin mo, talagang ang kasundo niya ay ang mga anak ni Sunshine.

At masaya ang bonding nila, kuwento nga ni Sunshine, ang okasyon lang naman pala ay birthday ng kanilang alagang asong si Holiday.
“Basta may okasyon, o kahit na walang okasyon madalas na dinadalaw ni Diego ang mga anak ko. Lagi naman silang masaya but of course you have to respect their privacy. May mga kuwentuhan silang sa kanila lang, na maski ako hindi ko alam,” sabi ni Sunshine.
Ayon pa sa aktres, suportado niya ang closeness ng magkakapatid.

Male star, dedma sa pananamantala ng mga bading

Itong si male star, alam na niyang masama ang epekto sa kanya ng malasing dahil hindi naman niya kaya, sige pa rin siya sa paglalasing. Noong isang gabi raw ay lasing na lasing na naman siya, pero ang nasamahan niya ay isang gay party. Wala siyang nabastos, siya naman ang binastos. Noon daw lasing na si male star unti-unti naman siyang hinubaran ng mga kaibigan niyang gays.
Hindi sinabi ng aming source kung ilang gays ang nagsamantala sa male star habang lasing siya, pero ang sabi niya naiwan pa raw ang male star sa venue dahil hindi na nga makauwi at lasing na lasing na. Kinumutan na lang daw ng mga bading na nagsamantala sa kanya.
“Mukhang ok lang naman kasi bayad naman daw siya roon,” sabi ng aming source.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with