^

PSN Showbiz

Beauty kumpirmado na sa Kapuso

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Beauty kumpirmado na sa Kapuso
Beauty

Kumpirmado na ang bali-balitang lilipat na sa GMA Network ang Spanish-Filipina actress na si Beauty Gonzalez.

Matatandaang 2018 pa nang unang lumabas ang mga haka-hakang magiging Kapuso na ang aktres matapos mapabalitang bumisita siya sa GMA Network Center para kausapin ang ilang Kapuso executives.

Uminit pa ang mga ispekulasyon nang mag-guest si Beauty sa Kapuso game show na Celebrity Bluff ni Eugene Domingo.

At ngayon nga ay kumpirmado nang mapapanood sa GMA 7 si Beauty na kabilang sa isang upcoming soap.

Excited na ang fans ni Beauty sa gagawin niyang programa at kung sinong Kapuso stars ang makakatrabaho niya rito.

Nang hindi matuloy unang planong niyang pag­lipat sa GMA ay dun niya ginawa ang Kadenang Ginto nila ni Dimples Romana na nagpasikat talaga sa character nilang sina Romina at Daniela.

Nagka-issue noon na in real life ay nagkaroon sila ng ‘competition’ pero hindi na nila ‘yun pinalaki.

Sa Kadenang Ginto rin sumipa nang bongga ang career ng Gold Squad.

Nauna nang napanood si Beauty sa TV5, sa I Got You with RK Bagatsing and Jane Oineza after na nawalan ng franchise ang ABS-CBN.

vuukle comment

BEAUTY GONZALEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with