^

PSN Showbiz

Kapamilya aktres, inalok ng malaking talent fee ng GMA!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Inamin na ng GMA 7 na may stars hindi na talaga sila ni-renew ang kontratang kontrata.

Hindi naman siguro dahil sa hindi na nila kailangan ang mga iyon kundi dahil gusto siguro nila ng panibagong diskarte sa kanilang programming.

Magugulat ka, pati pala si Michael V. na sinasabi ngang isa sa pinaka-reliable nilang artista ay hindi na raw pumirma ng exclusive contract sa kanilang network.

Nananahimik sila pero mukha ngang sa kanila naman tumatambak ang ilang malalaking stars ng dati nilang kalabang network. Pumasok na ang komedyanteng si Pokwang at ilan pang dating stars ng ABS-CBN.

Maliwanag naman na nakikipagnegosasyon sila kay John Lloyd Cruz, hindi lamang para sa isang serye kundi para maging isang Kapuso exclusive property.

Inaasahang marami pang mga dating star ng ABS-CBN ang tatalon nga sa network na matatagpuan sa Kamuning.

Marami na ang naunang tumalon sa ibang networks. Iyong iba, nagsara na rin ang sinimulang shows. Iyong iba naman, hindi nga napapanood ang shows. Nababasa mo lamang sa social media pero hindi mo naman mapanood sa TV.

Maging ang ZOE TV ay hindi gaanong nag-take off.

Marami pa rin stars ang ABS-CBN na walang trabaho. Ang masakit, hindi lamang sila nawalan ng franchise, pati ang kanilang film company ay hindi rin makakilos dahil sarado pa rin naman ang mga sinehan.

Gagawa ba sila ng mga pelikula para sa internet lamang? Kaya ang nakikitang pag-asa ng mga artista nilang wala na ring exposure ay lumipat sa iba, at ano nga ba ang network na maaaring kasing lakas ng dating ABS-CBN kundi ang kalaban nilang GMA Network.

Kaya ngayon halos lahat sila ay humahanap ng padrino para makapasok doon.

Pero ang GMA, mukhang interesado lang naman sa dalawang malaking stars, kay John Lloyd, at isa pang aktres na inalok na nila ng napakataas na talent fee.

JaDine, tuluyan nang nawala sa radar ng showbiz

Nakakalungkot ding isipin na nga­yon nga ay parang bigla na lang nawala ang JaDine.

Isa iyan sa pinakamalakas na love team, mga tatlong taon na ang nakararaan.

Nakikipag-agawan sila sa popularidad ng AlDub na sobrang sikat din noon at sa KathNiel.

May panahon pa ngang sinasabing mukhang nalampasan ni James Reid ang kasikatan ni Daniel Padilla. May inilabas pa silang libro noon na naging best seller sa isang bookstore chain.

Pero mukhang nagkaroon ng mali sa diskarte ng kanilang career. Sinubukan nilang paghiwalayin ang love team para malaman kung makakatayo sila on their own. Palpak naman dahil nakadalawang pelikulang flop si Nadine.

Noon ding isama si James sa isang concert, nabigo siyang humakot ng tao at ang concert nilang iyon ay wala nga ring nangyari.

Ang huli na lang naming na­balitaan nagpo-promote si James ng pagtatanim ng gulay para sa Department of Agriculture. Tapos wala na.

Maaari pa nga ba nating asahan na makakabangon pa ang JaDine?

Aktres, mas gusto nang kumain ng tuyo

Napatili raw ang isang aktres at totoong sumama ang sikmura nang mag-serve ng “breaded fried chicken.”

Kumakain naman daw siya talaga nun, pero ngayon nga ayaw na niya at medyo naduduwal siya basta nakakita ng breaded fried chicken dahil sa kuma­lat sa social media.

Ang paniwala niya sabotahe iyon, dahil imposible nga namang lagyan ng breading ang tuwalya dahil sa pagkakamali lang.

Tiyak sinadya iyon ng gustong gumawa ng gulo, pero ganoon pa man naduduwal daw siya dahil sa paulit-ulit niyang nakikitang picture ng fried towel.

Ang ending, nagpabili siya ng tuyo at iyon ang kinain niya.

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with